"Sisa" palabas na sa mahigit 175 cinemas ngayong March 4; Hilda Koronel walang kupas ang galing sa pag-arte
ni GLEN P. SIBONGA
SIMULA ngayong March 4 ay mapapanood na sa mahigit 175 cinemas nationwide ang panibagong obra ng multi-awarded director na si Jun Robles Lana, ang "Sisa," tampok si Ms. Hilda Koronel sa kanyang pagbabalik-pelikula matapos ang 13-year hiatus.
Napanood ko na ang "Sisa" sa matagumpay na Philippine Gala Premiere nito noong March 2 sa SM Megamall Cinema 2. Salamat sa imbitasyon ni Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company. And I can say, the movie didn't fail to deliver. Bawat aspeto ng pelikula ay makikitaan mo ng kahusayan. Surely, this is another masterpiece mula kay Direk Jun Lana.
Uunahan ko na kayo ha, huwag kayong mag-expect na kuwento ito ni Sisa, ang babaeng nabaliw sa nobelang "Noli Me Tangere" ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal. Gayunpaman, dito ipinangalan ang karakter ng bida ng pelikula na si Hilda Koronel, sa pag-aakalang isa siyang baliw. Hindi rin Spanish era ang setting ng pelikula kundi panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Napakagaling pa ring umarte ni Hilda sa "Sisa," na perfect project para sa kanyang pagbabalik-pelikula. Wala pa ring kupas ang husay niya sa pag-arte. I love how she delivered her role especially when the secret to her character unfolded and revealed. Mararamdaman mo talaga yung intensity ng kanyang emotions sa bawat eksena and how she connects to the rest of the cast especially to Eugene Domingo and Jennica Garcia - the two also gave superb acting pati na rin sina Tanya Gomez, Barbara Miguel, Angellie Sanoy, Jorrybell Agoto, at Janina Mendoza.
Nakabibilib ang pagkakasulat at pagkadirehe ni Direk Jun Lana sa "Sisa." Nagustuhan ko rin ang cinematography at production design ng pelikula. Maski ang tunog at musika ay nagbigay ng dagdag na emosyon at kulay sa mga eksena.
Women empowerment ang isa sa mga mensaheng nakapaloob sa pelikula. Mga kababaihan ang bumida at nagpakita ng husay. Akmang-akma sa pagdiriwang ng Women's Month ngayong Marso.
"Sisa" is truly worth-watching! Kaya huwag niyo nang palampasin ang pagkakataong mapanood ito sa mga sinehan. Iba pa rin ang karanasang naibibigay ng panonood sa big screen lalo na nga't binabaan ang presyo ng ticket sa mga sinehan para sa pelikulang ito. Gaya na lang sa SM Cinemas sa halagang P275 sa Metro Manila at as low as P230 sa mga probinsiya sa labas ng Metro Manila
Produced by The IdeaFirst Company, Quantum Films, and Cineko Productions, ang Sisa ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula ngayong March 4.
Jennica Garcia



Comments
Post a Comment