Beautederm CEO Rhea Tan namigay ng libreng gasolina, bigas at sunscreen products sa 200 tricycle drivers at delivery riders

 ni GLEN P. SIBONGA


KAHANGA-HANGA ang kabutihan ng puso at pagmamalasakit ni Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan dahil mula sa original na 100 tricycle drivers at delivery riders ay dinoble niya ang bilang ng mga binigyan niya ng libreng gasolina at may kasama pang libreng bigas at sunscreen products noong Marso 28 sa Angeles City, Pampanga.


Hindi naman maitago ang kasiyahan at puno ng pasasalamat ang mga nabiyayaang 200 tricycle drivers at delivery riders dahil malaking tulong ito sa kanila lalo na sa kahirapang dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo kabilang na ang gasolina at diesel.


Mula sa auction ng kanyang mga personal na gamit, pinondohan ni Ms. Rhea ang "Byaheng Kalinga" program katuwang ang Rotary Club of Balibago. Dahil sa tindi ng pila na nagsimula pa noong 11 PM (March 27) sa Beautéderm Headquarters, dinoble ni Ms. Rhea ang benepisyaryo: free full tank gas para sa unang 100, at ₱500 gas vouchers para sa susunod na 100 sa SEAOIL Gas Station sa Sto. Domingo, Angeles City.


Bukod sa gasolina, bawat driver ay tumanggap din ng limang kilong bigas at sunscreen products mula sa Beautederm at Belle Dolls, na makakatulong upang maprotektahan ang balat ng mga driver mula sa sikat ng araw lalo na ngayong summer. 


Nabigyan naman ng special prize na P3,000 cash ang "early bird" o pinakauna sa pila na si Luisito Lucas. May negosyo package din na P5,000 worth of Beautederm products para sa asawa ni Luisito.


Personal na nakipagkumustahan si Ms. Rhea sa mga driver at siya pa mismo ang nagkarga ng gasolina sa sasakyan ng ilang drivers.


Bukod sa Beautederm staff, nakasama at nakatulong din ni Ms. Rhea sa makabuluhang gawaing ito ang kanyang mga anak na sina Kent at Audrey.


Ang "Byaheng Kalinga" ay isa lamang sa maraming charitable projects at program ni Ms. Rhea at ng Beautederm Group of Companies.


Photos courtesy of Mark Sison and Sun Star Pampanga








Comments

Popular posts from this blog

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

John Calub marami nang natulungang gumaling dahil sa biohacking; Mga pasyenteng may cancer at malalang sakit may pag-asa pa

Rhea Tan dream come true na makasama sina Vice Ganda at Ion Perez sa Beautederm at Belle Dolls family