Eric Quizon sa pelikula nilang 'Jackstone 5:' "Ito ang magpapagaan sa mga dinaranas natin sa bansa ngayon!"
ni GLEN P. SIBONGA
PUNO ng pagmamalaki ang mahusay na actor-director na si Eric Quizon sa kanyang pagbabalik-pelikula sa pamamagitan ng "Jackstone 5," na pinagbibidahan niya kasama sina Arnell Ignacio, Gardo Verzosa, Jim Pebanco at Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula.
Ayon kay Eric, "More than just a fun movie, may puso siya. Ito iyong klase ng pelikulang kailangan natin para ma-entertain tayo at kahit paano ay magpapagaan sa mga dinaranas natin sa bansa ngayon. It also talks about the essence of friendship."
Pagkatapos ng "Pusong Mamon" at "Markova: Comfort Gay" muling magpapakitang-gilas si Eric sa pagganap sa gay role sa "Jackstone 5."
Sabi ni Eric, nag-enjoy siya sa paggawa ng movie nila dahil bukod sa magagaling umarte ang mga co-star niya ay masarap pang kasama at katrabaho sina Arnel, Gardo, Jim, at Direk Joel.
Kasama rin sa cast ng pelikula sina Abed Green, Marcus Madrigal, Elora Españo, Rico Barrera, Prince Clemente, Angela Cortez, at Jhon Mark Marcia.
Produced by Apex Creative Production Inc. with Dennis Evangelista as line producer, ang "Jackstone 5" ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa Disyembre 3.



Comments
Post a Comment