Carlo Aquino at Rhea Tan pamilya na ang turing sa isa't isa; Nakisaya sa 6th anniversary ng Beautederm Marquee Mall at SM City Clark

ni GLEN P. SIBONGA


LABIS na tine-treasure nina Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan at Beautederm ambassador Carlo Aquino ang kanilang relasyon hindi lang bilang mag-boss kundi bilang mag-ate. Pamilya na nga ang turing nila sa isa't isa lalo pa't si Ms. Rhea rin ang ninang sa kasal nina Carlo at Charlie Dizon.

Muling nagkasama sina Ms. Rhea at Carlo nang makisaya sila sa 6th anniversary celebration ng Beautederm branches sa Marquee Mall at SM City Clark sa Pampanga noong October 5. Nakasama rin nila si DJ Chacha, na nagsilbing host ng event. 

Sa social media post nga ni Ms. Rhea ay nagpasalamat siya kina Carlo at DJ Chacha, "I loveee u my babies Carlo Aquino DJ ChaCha my Beautéderm Ambassadors!! Thank uu! Beautederm Ayala Malls MarQuee Mall and Beautederm SM Clark branches!! 🥰🥰"

Sa isa pang post ni Ms. Rhea ay mas personal at puno ng emosyon na ang mensahe niya para kay Carlo, "16 years na ang Beautéderm . 13 years ko ng Beautéderm Ambassador si Carlo Aquino halos nakita nya ako nag umpisa , nung mga panahong 20k lang kaya kkng iabot as honorarium 😆 ( Carlo Aquino na sha ha noon pa ) magkasama na kami, walang iwanan. Salamat bunso, mahal kita. Forever grateful."

Dagdag pa ni Ms. Rhea sa hiwalay na post, "Kasama ko na nung  halos uumpisa pa ako, at sideline ko lang ang Beautéderm salamat bunso Carlo Aquino for staying with your Achi 🥺 sa mga tulad kong tindera, walang dapat ikahiya , ako dati , sabon , bra shampoo lahat nlang bi  😂 😆 lagyan lagi ng puso ang ginagawa. Bastat malinis, marangal ang trabaho, dugot pawis,  laban lang ng laban sa buhay. Magbubunga din lahat. Tandaan, Laging lumaban ng patas. Karma is real, what you do comes back to you 😘🙏🏼"

May sagot naman si Carlo para kay Ms. Rhea sa kanyang social media post, "16 years! Part ako sa 13 years. 13 years of gratitude sa Beautederm at kay achi @missrheatan .. Dami na pinagdaan na ups and down pero palaging lumalaban ng patas at palaging kayod! Thankful ako to be apart of your journey sa buhay at sa @beautedermcorporation ! Sa mas maraming panalo pa achi. Mahal ka namin ni April @charliedizon_ Congratulations @beautedermcorporation"








Comments

Popular posts from this blog

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin

VVINK thankful sa tagumpay ng debut showcase at Tulala single launch

Ai Ai delas Alas joins Manong Chavit Singson in launching VBank