Sanya Lopez, Rhea Tan, DJ JhaiHo pinasaya ang mga taga-La Union sa Beautederm meet and greet
ni GLEN P. SIBONGA
PINAGKAGULUHAN sina Beautederm ambassadors Sanya Lopez at DJ JhaiHo pati na rin si CEO Rhea Anicoche Tan sa ginanap na meet and greet kasabay ng selebrasyon ng 4th anniversary ng Beautederm branch sa Robinsons Place sa San Fernando City, La Union noong Linggo, September 21.
Tuwang-tuwa nga ang Sparkle artist na si Sanya sa mainit na pagtanggap ng mga taga-La Union kaya naman todo-hataw siya sa pagkanta at pag-perform ng kanyang viral hit song na “Hot Maria Clara” sa harap ng Beautederm store. Game na game rin na nakipag-picture-an ang Kapuso actress sa mga tao lalo na yung mga bumili ng Beautederm products.
Kaya naman labis ang pasasalamat ni Sanya sa kanyang social media posts kasama ang pictures at videos ng kanyang Beautederm meet and greet na hinost naman ni DJ JhaiHo.
Ayon kay Sanya, "Heart full of gratitude 🩷 Maraming salamat, La Union, at sa lahat ng nag-effort pumunta sa ating meet & greet. To my Beautederm family especially to mommy Rei, thank you for always making moments like this possible. 🤍✨"
Pasasalamat din ang laman ng post ng Beautederm founder na si Ms. Rhea sa Facebook, "Maraming salamat sa pagmamahal San Fernando La Union! Happy 4th Year to our Beautéderm Robinsons San Fernando La Union Branch to God be the Glory! 🙏"
Syempre nag-thank you rin si Ms. Rhea sa kanyang ambassador na si Sanya. Happy siya na muli silang nagkasama sa Beautederm event. "So happy to see you again nak! Beautéderm Ambassador Sanya Lopez 😘 namiss kita daughter! Bitin bonding! Pagpatuloy natin next month sa Bora natin! Ayihh"
Samantala, kung ang Beautederm Robinsons Place La Union ay nagse-celebrate ng 4th anniversary, ang Beautederm Corporation ay nagdiriwang naman ng 16 years ng patuloy na pamamayagpag sa beauty industry.
Comments
Post a Comment