McarsPH at Socia sanib-pwersa sa paglunsad ng Elite Agents Platform; Celebrities, rap artists, at influencers dumalo sa grand launch
ni GLEN P. SIBONGA
PUNO ng kasiyahan ang McarsPH CEO and founder na si Jed Manalang sa matagumpay na Grand Launch ng McarsPH Elite Agents Platform na ginanap sa Music Box sa Quezon City noong September 26.
Nakipagsanib-pwersa ang McarsPH sa Socia, na pinamumunian ni CEO Josh Mojica, upang maka-develop ng online platform na magpapabilis sa pagbili ng sasakyan. Makapagbibigay rin ito ng trabaho at dagdag na kita sa mga kababayan nating interesadong maging agents.
Ayon nga kay Sir Jed, "Ang McarsPH ang nangungunang car dealership dito sa Pilipinas na nakakapag-provide ng one day process, same day release, bank approval para sa mga hulugang sasakyan.
"Ang kailangan lang nila dito basic lang - two valid IDs, proof of billing, at proof of income. Kailangan lang nilang patunayan na lehitimo sila sa kanilang address at capable silang magbayad ng monthly, at approve na sila sa McarsPH.
"Dito sa ini-launch naming platform, ito yung pagkakakitaan na inihahandog namin sa ating mga kababayang Pilipino na kahit wala silang inilabas na puhunan ay pwede silang kumita. Ang kailangan lang nilang gawin ay magrekomenda ng mga personal nilang kakilala, kaibigan, kamag-anak, kaklase o kahit sino pa yan na kailangan ng sasakyan, nahihirapan sa bank approval o naiinip sa kakahintay sa bank approval. Irekomenda nila iyan sa McarsPH dahil dito magkakaroon sila ng sampung libo hanggang isandaang libo. Ang kagandahan dito makukuha nila yung komisyon within the same day of transaction."
Sinuportahan din ng dumalong celebrities, singers, rap artists, at influencers ang grand launch kabilang na ang isa sa McarsPH ambassadors na si Direk Art Halili Jr., kasama ang veteran actress na si Dexter Doria, komedyanteng si Patani, at iba pa. Kabilang din sa sikat na ambassadors ng McarsPH si Boss Toyo.
Dumalo rin sa event at nakasama sa presscon ang Head of the Metropolitan Manila Development Authority's (MMDA) Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF) na si Gabriel Go at si Socia CTO Reiner Cadiz.
Samantala, pinarangalan din ng gabing iyon ang tatlong topsellers ng McarsPH na tumanggap ng cash prizes na P300,000 (1st place), P200,000 (2nd place), at P100,000 (3rd place).
Comments
Post a Comment