Iza Calzado thankful na kinuhang endorser ng Metro Cookware: "Pinagluluto ako ng Panginoon! Ang clear ng sign!"
ni GLEN P. SIBONGA
NAGPAPASALAMAT si Iza Calzado na pinagkatiwalaan siya ng Metro Cookware na maging endorser nito lalo na ng Starter Set. Inamin nga ng celebrity mom na hindi siya makapaniwala noong una.
"'Totoo ba? Is it a sign?' sabi ko. Pinagluluto ako ng Panginoon. Ang clear ng sign. Okay, go! Thank you Lord!
"Syempre thank you that the brand is trusting me. E ang sakto, 'Start with Metro,' ang tagline nila. Siguro brand fit din. Siguro hindi pa nga nila alam na nag-start pa lang ako. So, it's so good it's aligning to what's happening to me," sabi ni Iza.
Nakausap namin si Iza sa launching niya bilang celebrity ambassador ng Metro Cookware noong August 2 sa SM Home, Basement Level ng SM North Edsa.
Sa kasalukuyan, favorite lutuin ni Iza ang bolognese pasta, na paboritong kainin naman ng kanyang mister na si Ben Wintle at anak nila na si Deia Amihan.
Sa launching naman nagpa-sample si Iza ng kanyang pancakes at burger na niluto niya gamit ang Metro Cookware non-stick cooking pan.
Unti-unti ay nag-aaral na rin ng pagluluto ng ibang putahe si Iza. Minsan nga ay nagplano siyang paglutuan si Ben para sa birthday nito kaya nagpaturo siya.
Kuwento ni Iza, "May isang birthday niya na nagpunta ako kina Chef Florabel. Sabi ko, 'Florabel patulong naman.' So, may isang chef siya na nagturo sa akin.
"Shrimp dish siya, something, hindi ko na matandaan ano ang tawag. Three dishes yata yung niluto namin.
"Kaya ko namang mag-follow. Pero yung confidence talaga yung lacking. Kaya malaking bagay na may partner tayo katulad ng Metro na nakakapagbigay ng confidence sa atin."
Congratulations, Iza sa bagong endorsement mo - ang Metro Cookware Starter Set! Goodluck sa iyong cooking journey!
Available ang Metro Cookware sa SM Home Exclusive.
Comments
Post a Comment