"Born to Be Wild" level up sa paggamit ng AI technology

ni GLEN P. SIBONGA


LEVEL UP na ang "Born to Be Wild" dahil ngayong Hulyo handog ng naturang award-winning Kapuso program ang isang bagong format upang magdala ng mas marami pang kuwento habang patuloy nitong isinusulong ang misyon para sa wildlife conservation, environmental education, at advocacy.

Sa kauna-unahang pagkakataon, susubukan ng programa ang paggamit ng AI technology upang mas mailapit ang mga manonood sa mga extinct at bihirang makitang species — marami sa mga ito ay nadokumento na ng "Born to Be Wild" sa nakalipas na 17 taon.

Handog ng "Born to Be Wild" ang isang month-long expedition sa wildlife tampok ang kabundukan ng Benguet at isla ng Southern Palawan.

Ngayong Linggo (July 7), bibiyahe naman si Doc Ferds Recio sa Benguet, kung saan susuriin niya ang masalimuot na mundo ng mga silkworm at native bees—mga nilalang na nanganganib ang kaligtasan dahil sa mga industriyal na gawain at pagkasira ng kapaligiran.

Sa Palawan, makikipagsapalaran si Doc Nielsen Donato sa mga bihira at kaakit-akit na wildlife. Kabilang dito ang higanteng buwaya na pinangalanang "Itim," ang mailap at mahirap hanaping peacock-pheasant kasama ang kanyang sisiw, at ang baboy ramo na pumapasok sa mga komunidad.

Sa mga susunod na episode, gagamit din ang programa ng AI technology, upang mas maipakita ang kagandahan at anyo ng ilan sa mga bihirang makita at extinct species sa pag-asang mas maraming tao ang magiging mulat at protektibo sa mga nakatagong wild at native animals.

Panoorin ang "Born to Be Wild" tuwing Linggo, 9 AM, sa GMA.






Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin