Anton, Raheel, Mad - bagong heartthrobs na magpapakilig sa MAKA
ni GLEN P. SIBONGA
MAGIGING mas exciting, kapana-panabik at kakilig-kilig ang "MAKA: Next Chapter" dahil makakasama na sa cast nito ang pinakabagong mga heartthrob ng Sparkle na sina Anton Vinzon at Raheel Bhyria ng “Mga Batang Riles,” at "Sparkle Campus Cutie" winner na si Mad Ramos.
Bilang “The B-Boys,” silang tatlo ang maghahatid ng bagong dynamics at maraming kilig sa kinagigiliwang MAKA barkada.
Gaganap si Anton Vinzon bilang Anton Mendoza, isang confident at charismatic na Grade 12 transfer student sa MAKA Academy. Bilang pinuno ng "The B-Boys" basketball trio, isang star athlete at online sensation si Anton na sanay sa spotlight. Pero sa ilalim ng kanyang perpektong ngiti at swag, hangad ni Anton ang isang kumpletong tahanan.
Si Raheel Bhyria naman ay si Raheel Perez. Siya ang madiskarteng mag-isip sa "The B-Boys." Isa siyang basketball whiz na may lihim na hilig sa science fiction, coding, at mga numero. Sa pamamagitan ng basketball, naitatago niya ang kanyang katalinuhan at tunay na pagkatao.
Mapapanood naman sa una niyang serye si Mad Ramos–ang winner ng first-ever Ultimate Campus Cutie ng Sparkle GMA Artist Center. Bilang Mad Sarmiento, siya ang ikatlong miyembro ng "The B-Boys." Stylish at energetic, si Mad ay isang dating star athlete at viral Taratok celebrity. Loyal sa kanyang mga kaibigan at self-proclaimed mama's boy, dala ni Mad ang puso at excitement sa bawat laro.
Abangan ang tatlong Sparkle heartthrobs sa "MAKA: Next Chapter" kasama sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Josh Ford, Elijah Alejo, Chanty, John Clifford, Olive May, Shan Vesagas, Sean Lucas, Bryce Eusebio, Bangus Girl, Jennie Gabriel, at Gladys Reyes.
Manood ng "MAKA: Next Chapter" tuwing Sabado, 4:45 PM sa GMA.

Comments
Post a Comment