Sue Ramirez thankful sa IdeaFirst sa pagbibigay ulit sa kanya ng kakaibang role sa "Flower Girl"

ni GLEN P. SIBONGA


NAGPAPASALAMAT si Sue Ramirez dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng The IdeaFirst Company para sa isa na namang kakaiba at challenging role sa pelikulang "Flower Girl."

"Kung noon ako 'Ang Babaeng Allergic sa WiFi' (2018), dito sa 'Flower Girl' ako ang babaeng nawawala ang poochy! Kakaiba at challenging role ulit ang ibinigay sa akin ng IdeaFirst kaya I'm very thankful dahil lagi nila akong pinagkakatiwalaan to do something different. 

"Kaya naman hindi talaga ako nagdalawang-isip na tanggapin agad ang movie na ito. Thank you sa IdeaFirst, kina Direk Perci (Intalan), Direk Jun (Robles Lana), and of course, sa writer at direktor namin sa movie na si Direk Fatrick Tabada," sabi ni Sue.

Dahil nga nakatrabaho na niya noon ang team ng IdeaFirst kaya kampante na siya at tiwala na aalagaan siya sa mga eksena sa movie.

"Alam ko kung gaano sila kaingat talaga sa akin kaya wala akong doubts in my mind when I accepted this project. Lalo na ganito ka-sensitive ang material at story, yung maseselan na mga eksena hindi talaga ako nakaramdam ng ilang o takot, because alam ko poprotektahan nila ako,” paliwanag ni Sue.

Sa "Flower Girl," ginagampanan ni Sue ang karakter ni Ena, isang babaeng isusumpang mawala ang poochy o private part matapos niyang insultuhin ang isang transwoman na ginagampanan naman ni Jervi Li Wrightson o mas kilala bilang si Kaladkaren.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Martin Del Rosario, Jameson Blake, at Maxie Andreison.

Written and directed by Fatrick Tabada, ang "Flower Girl" ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa June 18. Produced ito ng The IdeaFirst Company, Octobertrain, at CreaZion Studios.



Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin