Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa iregularidad umano sa nakaraang halalan


NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon dahil umano sa mga iregularidad na nangyari sa nakaraang halalan na ilang milyong mga balota ang hindi nabilang umano at hindi raw pagtugma ng bilang sa mga balota at resulta nito.

Sa isinumiting complaint letter na ipinadala kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. , isa ang partylist leader na si Jeffrey Santos ang nagsiwalat na ang ginamit na automated counting machines (ACMs) na pag-aari umano ng Korean firm Miru System Inc., ay kinabibilangan umano ng ilang prominenteng tao kung kaya't ang ilang kandidato ay nanalo sa eleksiyon na may malaking boto umano.

Ilan sa mga tinukoy ay mga prominenteng politiko na may koneksiyon umano sa Miru System Inc., na maaaring may kinalaman daw sa anomalya sa paggamit ng ACMs.

Ayon sa pinirmahang complaint letter ni Santos, ang resulta ng partylist ay minanipula umano ng mga taong may kaugnayan o parte sa operasyon ng Miru system upang makasiguro sila nang boto at makapuwesto sa kongreso o senado.

Bukod kay Santos, ilang mga miyembrong organisasyon tulad ng Makabayan coalition ang agarang humiling ng masusing imbestigasyon sa mga alegasyon ng irregularities na naganap noong araw ng halalan.

Nagpahayag ang mga grupong ito ng matinding pag-aalala tungkol sa ilang ACMs na iniulat na nagpakita umano ng maling kabuuang boto at tumanggi sa mga balota.

Dahil dito, nagkaroon ng panawagan para sa detalyado at maingat na pagsusuri ng mga isyung ito upang matiyak ang integridad ng proseso ng halalan.

Nanawagan na rin ang ilang grupo para sa mano-manong pagbibilang ng boto upang malaman ang totoong resulta ng halalan sa halip na yung galing aa mga automated counting machines, na posibleng may resulta na umano bago pa magsimula ang pagboto.
 

Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin