Mas pinasayang Weekend Trip at bagong Primetime Primera hatid ng TV5


TODO ang sayang hatid ng TV5 sa mga bagong weekend and early primetime offerings na hitik sa blockbuster lineup ng mga nagbabalik at pinabonggang fan favorites at mga bagong programang inaabangan ng maraming manonood.

Simula ngayong weekend, nagbabalik na ang "Emojination" with Maja Salvador sa ika-lima nitong season na siguradong emoji-filled sa saya at katatawanan tuwing Sabado ng 5:30 PM.

Ang OG bida-oke ng bansa na "Sing Galing" ay twice a week nang mapapanood — tuwing  Sabado ng 6:15 PM at Linggo ng 6:30 PM —para sa nag-uumapaw na kantawanan para sa buong pamilya. 

Huwag ding palampasin ang comeback ng "Masked Singer Pilipinas" sa ikatlong season nito. Double the mystery nga at MASKED pinasaya ang kantahan at hulaan tuwing Sabado ng 8:30 PM at Linggo ng 8:45 PM.

Dagdag excitement din ang bagong Primetime Primera block mula Lunes hanggang Biyernes, na magsisimula ngayong Mayo 19. Ito ang bagong tambayan ng mga primera-klaseng programa na tatatak sa puso ng manonood.

Bubungad sa bagong Primetime Primera tuwing 5:30 PM ang "Una sa Lahat," isang makabagong news program na anchored ng seasoned at award-winning journalist na si Jiggy Manicad. Hatid ng programa ang most important headlines for the day — live at real-time, mula mismo sa pinangyayarihan ng mga balita.

Kasunod nito ang primetime newscast na "Frontline Pilipinas" ng 6:00 PM na patuloy na naghahatid ng mapagkakatiwalaan, makabuluhan, at napapanahong balita para sa bawat Pilipino.

Ang viral at trending youth series na "Ang Mutya ng Section E" ay mapapanood na rin sa telebisyon simula May 19 ng 6:45 PM. Tampok dito ang mga fresh at fast-rising stars na sina Ashtine Olviga, Andres Muhlach, at Rabin Angeles na handa nang dalhin ang kilig, riot, at feels ng hit online series sa free TV!

Hindi rin pahuhuli ang primetime action drama na "Totoy Bato" na pinagbibidahan ni Kiko Estrada, dala ang intensity at laban para sa hustisya, napapanood tuwing 7:15 PM.

Ang "Totoy Bato" at "Ang Mutya ng Section E" ay original production ng MavenPro, ang joint venture ng Viva Entertainment at MediaQuest group — isang malaking hakbang para iangat ang Filipino storytelling sa TV5 sa pamamagitan ng mga de-kalidad na mga programa.

Sa kombinasyon na ito ng reality, news, at drama, hindi lang pinalalakas ng TV5 ang weekend lineup, kundi nagbubukas din ito ng bagong yugto para sa early primetime programming. Sa Primetime Primera, ipinapakita ng Kapatid network ang dedikasyon nito sa pagbibigay ng primera klaseng news and entertainment tampok ang original and relatable content na naglalapit sa puso ng bawat Pilipino, saan man sila sa mundo.

Emojination

Sing Galing 

Masked Singer Pilipinas

Una Sa Lahat

Frontline Pilipinas

Totoy Bato

Ang Mutya ng Section E



Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin