Maja Salvador handa na sa kanyang pagbabalik sa "Emojination" Season 5 kasama sina Chad Kinis at Chamy

ni GLEN P. SIBONGA


HANDANG-HANDA na ang nag-iisang Her Emojesty na si Maja Salvador sa kanyang pagbabalik sa paboritong emoji-powered game show ng TV5 - ang "Emojination" -
dala ang kanyang energy, star power, at karisma na minahal ng Kapatid viewers. 

Sa premiere ng pinabonggang Season 5 ng "Emojination" sa May 17, asahan ang mas mind-bending emoji puzzles, mas matitinding papremyo, at mas marami pang sorpresang puno ng emoji-filled memories o memojies.

Ngayong isa na siyang mommy, mas inspired si Maja na maghatid ng masayang experience sa bawat pamilya. Iba ang dala niyang sigla at warmth sa bawat episode na siguradong magpapangiti sa lahat. Hindi lang ito ang marka ng kanyang pagbabalik sa "Emojination," kundi simula rin ng panibagong chapter niya sa TV5, kung saan mas marami pang dapat abangan ang fans and viewers sa kanya.

“Maja has always had a special place in the hearts of our Kapatid audience, and her energy lights up every show she’s in. Her return to 'Emojination' has been eagerly awaited, and we’re all excited to see her bring even more fun and unforgettable moments to the TV screens,” pahayag ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

To da whole new level ang saya dahil makakasama rin ni Maja bilang co-host ang Last One Laughing (LOL) Season 1 grand winner na si Chad Kinis na magpapa-roll on the floor laughing sa mga manonood! Nagbabalik din ang ever-energetic sidekick na si Chamy Aguedan, na dala ang kanyang mabilisan at patok na challenges! Ang kanilang tandem — ang ChaCha Duo — ay handa nang magdala ng iba’t ibang klase ng saya na siguradong wilder, wackier, at five times the laugh trip!

“Our production team has worked tirelessly to ensure that season 5 brings something new and exciting to the table. We’ve put in the effort to create unforgettable moments that will truly make this season stand out,” dagdag ni Michael Tuviera, President at CEO ng APT Entertainment.

Mula sa pinaghalong tuwa at nakababaliw na emoji puzzles, hanggang sa mga pasabog na surprises, ang "Emojination" Season 5 ay handa nang magdala ng five times na aliw, five times na katatawanan, at five times na wild entertainment! Sa bagong season, abangan ang mga exciting celebrity guests na maglalaro ng emoji-fied games, pati na rin ang unforgettable episodes tampok ang Kapatid audience na magbibida ng kanilang guessing game skills. Dagdag pa rito, may brand-new segment din na siguradong magiging crowd favorite at magdadala ng “mas panalong memojies” para sa lahat ng ka-Emoji Nation!

Ipinahayag ni Cignal’s First Vice President/Head of Channels at Content Management Sienna G. Olaso ang kanyang excitement sa pagbabalik ng "Emojination" - “because this format truly stands out. It’s not just fun, it’s an experience filled with entertainment, laughter, and surprises — and we’re grateful that our viewers continue to enjoy and support it.”

Mapapanood ang "Emojination" Season 5 tuwing Sabado, 5:30 PM, sa TV5 simula sa May 17 — at may same-day catch-up din ito sa BuKo Channel ng 8PM. Makisaya sa bagong season that’s more fun than you can emojin!





Comments

Popular posts from this blog

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Rhea Tan at Beautederm family sumugod sa Araneta Coliseum para suportahan ang D10 concert ni Darren