Directors Joey Reyes, Joseph Abello, Arvin Belarmino proud maging bahagi ng jury para sa Unleash Pawscars Short Film Festival

ni GLEN P. SIBONGA


MASAYANG-MASAYA ang mga kilalang direktor na sina Jose "Joey" Javier Reyes, Joseph Abello, at Arvin Belarmino na napabilang sila sa mga hurado para sa kauna-unahang Unleash Pawscars Short Film Festival.

Bilang furparents at pet lovers, masayang ibinahagi ng tatlong direktor ang kanilang saloobin sa ginanap na launching at mediacon ng Unleash Pawscars Short Film Festival noong May 27 sa opisina ng Unleash at Highly Succeed Inc. sa Mandaluyong.

Para sa kanila, magandang pagkakataon ito para sabay nilang maipakita ang kanilang passion bilang filmmakers pati na ang pagmamahal nila sa mga hayop.

Si Direk Joey inaming may tatlo siyang alagang aso na sina Charlotte, Jungkook, at Jimin (ang dalawang huli ay hango sa mga sikat na K-Pop idols). "I really love animals and I've been a firm supporter of PAWS (Philippine Animal Welfare Society). Dati na akong nag-ampon ng Aspins. Dahil Askal sila, ang mga pangalan nila ay James at Phil (hango sa sikat na magkapatid na Younghusband sa larangan ng football)," biro ni Direk Joey. "I really love pets. And I'm against animal cruelty. Any opportunity for me to support our furbabies I will do that because ang daming beses na sa buhay ko na yung mga alaga ko, my pets, my furbabies were the ones who gave me comfort and unconditional love."

Ayon naman kay Direk Arvin, "To come up with this kind of idea, parang yung dalawang passion ko sa buhay - yung mag-alaga ng pusa at gumawa ng pelikula - sobrang kumonekta. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na pumayag (maging jury)."

Pahayag ni Direk Joseph, "We had a dog who passed away last year, so we're thinking of getting a new one. And then currently po I worked for Haribon (non-governmental organization dedicated to safeguarding Philippine biodiversity). Part of our work is saving animal species. So, it feels good to have this kind of work na parang related pa rin."

Inamin naman ng festival director na si Mark Sakay na hindi siya nahirapang kumbinsihin ang tatlong direktor na maging bahagi ng jury dahil nga sa pagmamahal ng mga ito sa pets at animals. Ibinuko pa niya na si Direk Joey ay hindi nagpapabayad ng talent fee bagkus ay hiniling nito na mag-donate na lang sa PAWS, na nagkataon namang kabilang sa partners at beneficiaries ng Unleash.

Ang Unleash ay hindi lang isang pet app kundi all-in-one platform na pinagsama ang fun features like e-commerce, social networking, entertainment, and essential information of various pet activities that pet owners need to know.

Kabilang ang Unleash Pawscars Short Film Festival sa mga naisip nilang mga proyekto bukod sa mga isinasagawa nilang pet fashion shows upang mas paigtingin pa ang layunin nilang isulong ang proper pet care at labanan ang animal cruelty.

Ang Unleash Pawscars Short Film Festival, na may temang Unleash the Love, ay bukas sa lahat ng mga Filipino, 18 years old and above. Kung under 18 ay kailangan ng signed parental consent form. Open ito sa filmmakers (professional and non-professional), content creators, o maging sa proud furparents na mahilig videohan ang kanilang mga alaga.

Ang registration at submission ng materials ay nagsimula na noong May 16, 2015 at magtatapos sa August 31, 2025. Ang announcement of finalists ay sa September 15, 2025. Ang pinakahihintay na awards night ay magaganap sa December 14, 2025.

Ang Best Short Film ay makatatanggap ng premyong P150,000 plus AniMall vouchers; Second Best Film - P50,000 plus AniMall vouchers; at People's Choice Award (via app voting) - P50,000 plus AniMall vouchers. Pararangalan din ang Best Director, Best Human Actor/Actress, Best Supporting Human Actor/Actress, Best Featured Animal/Pet, Best Script, Jury's Choice, at iba pang surprise awards.

Para sa full mechanics at registration form pumunta lang sa kanilang website - https://unleash.ph/





Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin