Directors Joey Reyes, Joseph Abello, Arvin Belarmino proud maging bahagi ng jury para sa Unleash Pawscars Short Film Festival

ni GLEN P. SIBONG A MASAYANG-MASAYA ang mga kilalang direktor na sina Jose "Joey" Javier Reyes , Joseph Abello , at Arvin Belarmino na napabilang sila sa mga hurado para sa kauna-unahang Unleash Pawscars Short Film Festival . Bilang furparents at pet lovers, masayang ibinahagi ng tatlong direktor ang kanilang saloobin sa ginanap na launching at mediacon ng Unleash Pawscars Short Film Festival noong May 27 sa opisina ng Unleash at Highly Succeed Inc. sa Mandaluyong. Para sa kanila, magandang pagkakataon ito para sabay nilang maipakita ang kanilang passion bilang filmmakers pati na ang pagmamahal nila sa mga hayop. Si Direk Joey inaming may tatlo siyang alagang aso na sina Charlotte, Jungkook, at Jimin (ang dalawang huli ay hango sa mga sikat na K-Pop idols). "I really love animals and I've been a firm supporter of PAWS (Philippine Animal Welfare Society). Dati na akong nag-ampon ng Aspins. Dahil Askal sila, ang mga pangalan nila ay James at Phil (hango sa sikat na m...