Kiko Estrada muling magpapakitang-gilas sa aksyon sa "Totoy Bato" simula sa May 5

ni GLEN P. SIBONGA


MATAPOS hangaan sa matagumpay na TV5 primetime series na “Lumuhod Ka sa Lupa,” muling magpapakitang-gilas sa aksyon si Kiko Estrada sa bagong Kapatid action-serye na "Totoy Bato" simula ngayong Lunes, May 5, sa TV5.

Ang istorya ng "Totoy Bato" ay hango sa klasik na pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr., na gawa ng legendary comics creator at film producer na si Carlo J. Caparas.

Matinding aksyon at bakbakan ang aasahan ng mga manonood dahil ang karakter ni Kiko ang magsisilbing tagapagligtas ng Pook Paraiso gamit ang kanyang kamao. Bilang “Totoy Bato,” makikipagmatigasan si Kiko laban sa mala-pader na makapangyarihang mga pamilya. 

Makakasama ni Kiko sa serye ang mga magagaling na mga aktor na kinabibilangan nina Bea Binene, Cindy Miranda at Diego Loyzaga, kasama sina Nonie Buencamino, Mon Confiado, Art Acuña, Mark Anthony Fernandez at ang beteranang aktres na si Ms. Eula Valdes. May espesyal na partisipasyon naman sina Joko Diaz, Katya Santos, Kean Cipriano at Ms. Jackie Lou Blanco. Kabilang din sa cast sina Andrew Muhlach, Bily Villeta, Ivan Padilla, Lester Llansang, Benz Sangalang, Gold Aceron, at ang anak ng creator ng “Totoy Bato” na si CJ Caparas. Ipakikilala naman sina Lawrence Dela Cruz, Benedict Lao, Natania Guerrero, Jeremiah Cruz, Dwayne Bialoglovski at Stanley Abuloc.

Sa direksyon ni Albert S. Langitan, kasama sina Zyro Radoc at Ambo Gonzales, ang “Totoy Bato” ay produced ng MavenPro at Sari Sari Network Inc., sa produksyon ng Studio Viva. Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 7:15PM, sa TV5 simula sa May 5.

Comments

Popular posts from this blog

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Rhea Tan at Beautederm family sumugod sa Araneta Coliseum para suportahan ang D10 concert ni Darren