Maja Salvador nag-renew ng kontrata sa Beautederm; Pamilya na ang turing niya kay CEO Rhea Tan

ni GLEN P. SIBONGA


LUBOS ang pasasalamat ni Maja Salvador sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal sa kanya ng Beautederm founder at CEO na si Rhea Anicoche Tan kaya naman masayang-masaya siya na ni-renew ng Beautederm ang kontrata niya bilang ambassador.

Apat na taon na si Maja sa Beautederm. Pero bago pa siya maging endorser nito ay user na siya ng Beautederm, pag-amin niya sa presscon ng kanyang contract renewal na ginanap sa Solaire Resort North noong March 26.

"Hindi pa ako Beautederm endorser naaambunan na ako ni Kakai (Bautista) ng products. So, bago pa ako matanong ni Manang (Rei), bago pa ako maging endorser, gumagamit na ako ng Beautederm.

"Hanggang sa maging endorser na nga ako, hanggang ikasal na ako, hanggang maging mommy na ako. So, masasabi ko na yung Beautederm ay best partner iyan ng mga kababaihan especially ng mga mommy na katulad ko pagdating sa skincare.

"Kita niyo naman, hindi na lang ako magsasalita. Look at me now," natatawa pero buong pagmamalaking sabi ni Maja.

Bukod sa pagiging endorser ay malaking bonus din ang magandang relasyon nila ni Ms. Rhea, na aniya ay hindi lang basta malapit na kaibigan kundi pamilya na ang turingan nila bilang mag-Ate.

"Si Manang kasi parehas kaming Ilokana kaya siguro baka isipin ng iba, 'Nagpaplastikan, masyadong close kaagad.' Pero hindi, alam mong totoo yung ipinapakita simula noong magsimula kami hanggang ngayon. Ninang ko siya (sa kasal), as in Manang ko siya.

"Yung relationship namin alan mong talagang matibay. Alam mong mag-aalalayan kami sa isa't isa, kakampi namin ang isa't isa. She's more than my boss, totoong Manang ko siya. Manang is Ate. Ateng-ate ko siya," pagtatapat ni Maja.

Sumang-ayon din si Ms. Rhea sa mga pahayag ni Maja at dagdag pa ng Beautederm boss, "Nakikita niyo naman na genuine yung samahan namin. Syempre alaga ko siya, Mommy-mommy niya ako, Ate-ate niya ako, pero walang wall, ganun siya talaga.

"Literal na Ading (kapatid) ko talaga siya. It's a blessing na magkaroon ng Ading hindi lang sa trabaho. I'm praying, pinagpe-pray ko yung friendship namin. Kasi blessing yun e, at blessing yun na makahanap ka ng kaibigan sa industriyang ito.

"Maraming salamat din sa pagtuturo sa akin na deserve ko ring mahalin," patungkol ni Ms. Rhea kay Maja.

Samantala, bilang Beautederm ambassador, ine-endorse ni Maja ang Blanc Set, a top-selling skincare set.

Narito ang benefits na makukuha sa paggamit ng Blanc Set:
• Includes Tretinoin (acne treatment) and Hydroquinone (hyperpigmentation
treatment).
• Prevents acne and pimples.
• Brightens your skin
• Decreases inflammation.
• Helps fade fine lines and wrinkles.
• Enhances skin's glow.
• Addresses dark and aging spots.

Ang Blanc Set ay mabibili sa Shopee, Lazada, TikTok, at sa Beautederm stores nationwide.





Comments

Popular posts from this blog

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Rhea Tan at Beautederm family sumugod sa Araneta Coliseum para suportahan ang D10 concert ni Darren