Jennylyn, Dennis, Sam nagpapasalamat sa pagmamahal at suporta ni Rhea Tan
ni GLEN P. SIBONGA
PUNO ng pasasalamat kay Beautederm CEO and founder na si Rhea Anicoche Tan ang Beautederm ambassadors na sina Jennylyn Mercado at Sam Milby pati na rin si Dennis Trillo, na ipinapakilala na ring ambassador, dahil sa ipinaparamdam na pagmamahal at suporta sa kanila ng lady boss lalo na pelikulang pinagbibidahan nilang tatlo, ang "Everything About My Wife."
Biruin mo um-attend na si Ms. Rhea sa premiere night ng movie noong February 25 sa SM Megamall, tapos nag-sponsor pa siya ng block screening sa SM City Telabastagan sa Pampanga noong March 6.
Kaya naman sinigurado nina Jennylyn, Dennis, at Sam na present sila sa block screening bilang pasasalamat na rin sa pagmamahal at suporta sa kanila ni Ms. Rhea.
Nakausap namin ang tatlong bida ng "Everything About My Wife" bago ang block screening at ibinahagi nga nila sa amin ang kanilang pasasalamat kay Ms. Rhea.
Ayon kay Jennylyn, "Syempre nagpapasalamat kami sa walang sawang suporta niya. Mula kina Dennis at Ruru (Madrid) sa 'Green Bones' hanggang dito sa pelikula naming tatlo ni Sam, nandiyan pa rin siya para sumuporta."
Dagdag ni Dennis, "Syempre masayang-masaya. Mula nga sa pelikula namin ni Ruru sa Meto Manila Film Festival hanggang ngayon at sana sa mga susunod pang projects. Grabe talaga ang suporta niya at ng buong Beautederm. Thank you sa inyong lahat."
Sabi naman ni Sam, "I've been a part of Beautederm for over three years. And ever since, napakabait talaga ni Mommy Rei. Sobrang bait, napaka-generous, napaka-supportive. Super thankful kami for this block screening and how much support she has given para sa movie namin."
Para kay Ms. Rhea, deserve ng tatlo ang kanyang suporta dahil napakabait din ng mga ito sa kanya at masisipag pang i-promote ang Beautederm products.
Sa kanyang post nga sa social media, inihayag ni Ms. Rhea ang kanyang saloobin para sa tatlo kasama ng pictures at videos nila sa block screening.
Ayon sa caption ng FB post ni Ms. Rhea, "Proud Mommah Ate to all my Beautéderm Babies!! Jennylyn Mercado Dennis Trillo Sam Milby Congrats again my Loves ! #EverythingAboutMyWife #NowOnits2ndWeek!"
Samantala, extra thankful din si Dennis dahil hindi pa man siya inilu-launch ay ipinapakilala na siya ni Ms. Rhea bilang bagong ambassador ng Beautederm.
"Salamat. It's a big honor na maging parte ng malaking pamilya ng Beautederm," ani Dennis.
Ano ang masasabi niya na ipinaparamdam na agad sa kanya ang pag-aalaga ng Beautederm?
"Oo nga e, yun na nga hindi pa man grabe na... ano pa kaya pag nagkatuluyan na talaga. Kaya sobrang excited ako sa mga mangyayari pa sa Beautederm. Thank you sa pagtanggap sa akin sa pamilyang ito," pasalamat pa ni Dennis.
Comments
Post a Comment