Rhea Tan at Beautederm family nakipag-bonding sa media friends sa Vigan, Ilocos Sur

ni GLEN P. SIBONGA


NAG-ENJOY ang entertainment press at bloggers na inimbitahan ng Beautederm CEO and founder na si Rhea Anicoche Tan sa three-day trip at bonding sa kanyang hometown sa Vigan, Ilocos Sur.

Kabilang ako sa maswerteng media friends ni Ms.Rhea na nakasama sa Vigan trip kaya naman labis ang pasasalamat namin sa Beautederm lady boss pati na rin sa kanyang mahal na ina na si Mama Pacita Anicoche at kapatid na si Bambie Anicoche sa pag-imbita at pagpapatuloy sa amin sa kanilang tahanang sosyal at dinaig ang ibang hotels sa ganda - ang PACITA MANSION - sa Vigan, Ilocos Sur. 

Ang Pacita Mansion ay fruit of labor and love ni Ms. Rhea sa kanyang pinakamamahal na si Mama Pacita, kaya isinunod ang pangalan nito sa kanyang ina. Naku, pag nakita niyo ang labas at loob ng mansion ay talagang mamamangha kayo tulad namin.

Ang bongga ng tinulugan naming mga kwarto na tila kami nasa 5-star hotel na kumpleto sa aminities at gamit pati na hygiene kits. Ang laki ng TV, ang ganda ng kobrekama, linens, at curtains. Pati lighting, chandelier, at CR ay patterned sa sosyal na hotel. Syempre may aircon kaya ang sarap ng tulog namin. 

Napakakumportable ng aming pag-stay sa Pacita Mansion. Biruin mo may elevator pa servicing all three floors ng mansion.

Lagi pa kaming busog dahil maya't maya ay kumakain kami, as in literal. Ang motto kasi ni Ms. Rhea ay, "Walang magugutom sa pamilyang ito!"

Bongga ng lighting effect ng Pacita Mansion sa gabi lalo na sa pool area kung saan kami kumakain ng dinner at madalas na bonding area namin.

Super na-enjoy namin ang bakasyon na ito kung saan nagpunta at nag-bonding kami sa magagandang lugar at tourist spots sa Vigan gaya na lang sa heritage destination na Calle Crisologo kung saan makikita ang mga ancestral houses na ang iba ay daang-daan taon na ang edad. Ang iba sa mga bahay na ito ay ginawang souvenir shops at restaurants. Special mention ang Bartech restobar kung saan kami nag-dinner, nagkantahan at nag-celebrate ng birthdays ng ilan sa mga kasamahan namin sa panulat.

Binisita rin namin ang Baluarte Resort and Mini Zoo ni Manong Chavit Singson sa Vigan, kung saan nagkaroon pa ako ng close encounter sa mga lion at tiger. Nakapagpadede pa ako ng isang white lion cub.

Nasaksihan ko ang napakahabang parada para sa Ilocos Sur Festival kung saan nagkaroon ng float ang Beautederm bilang isa sa sponsors ng grandest event and celebration na ito.

Dumayo rin kami sa iba pang lugar at bayan sa Ilocos Sur gaya na lang ng Pinakbet Farm sa  bayan ng Caoayan, kung saan kami nag-lunch at kumain ng pinakbet na nasa kawayan.

Nagpunta pa kami sa isang store kung saan aktuwal naming nasaksihan ang tradisyunal na paghahabi. At nakabili pa kami sa murang halaga ng hinabing bag, placemats, kumot, at iba pang souvenir items.

Nakilala rin namin ang mga mababait na mga pulitiko ng Ilocos Sur tulad nina Governor Jerry Singson, Vice Governor Ryan Luis Singson, at Vigan City Mayor Jose Singson Jr.

Gusto rin naming pasalamatan ang Beautederm ambassadors na sina Kakai Bautista at DJ JhaiHo na nakasama namin sa bonding na ito at nag-provide pa ng kasiyahan. 

Salamat din sa Beautederm family and staff na super nag-asikaso sa amin kabilang na sina Mylene Timbol , Marianne De Guzman, Chona Lee, Doreen Canyong, Eazel Puno, Jennifer Niñal , EJ Miranda , Brian Kyle Donato at iba pa.

Thank you rin sa lahat ng media friends na nakasama namin sa bonding na ito na minsan lang mangyari.

Abot-tenga rin ang aming ngiti sa bonggang pasalubong at pabaon ni Ms. Rhea sa amin na bagnet, longganisa, etc. Pati si Mama Pacita ay may pabaong masarap na Bolero.

Siyempre ang pinakamahalagang pabaon sa amin ng pamilya ni Ms. Rhea pati ng Beautederm family ay ang hindi namin malilimutang karanasan, kasiyahan at pagmamahal na mananatiling nakabaon at nakatatak sa aming puso at isipan magpakailanman.

Maraming salamat ma'am Rei sa beaute-ful and memorable bonding na ito. God blesss you more! I love you!



















Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies