Rayver, Gillian, Faith at DJ JhaiHo nagpasaya sa Beautederm store opening sa SM Lucena

ni GLEN P. SIBONGA


MASAYANG-MASAYA si Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan dahil nadagdagan na naman ang mga Beautederm store sa pagbubukas kamakailan ng bagong branch nito sa SM City Lucena kung saan nakasama niya ang Beautederm ambassadors na sina Rayver Cruz, Gillian Vicencio, Faith da Silva, at DJ JhaiHo.

Talaga namang pinagkaguluhan ng mga tao sina Rayver, Gillian, Faith, at DJ JhaiHo na nagsilbi ring Beautederm consultants at nagtinda ng mga produkto. Nag-product sampling pa sins Rayver ng Belle Dolls Stem Cell Juice Drink, na bahagi ng bagong beauty venture ni Ms. Rhea.

Tuwang-tuwa naman ang mga nakabili ng mga produkto dahil nagkaroon pa sila oportunidad na makapag-selfie at makapagpa-picture sa celebrity ambassadors.

Pinasaya rin ng mga ambassador ang mga tao sa meet and greet, games, at live performances gaya na lang ni Rayver na hinarana ang mga tao kaya kilig na kilig lalo na ang mga kababaihan.

Patuloy na nadaragdagan ang Beautederm stores sa iba't ibang panig ng Pilipinas gayundin sa ibang bansa. Patunay lang ng patuloy na pagtatagumpay at pamamayagpag ng Beautederm sa merkado.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies