Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin

ni GLEN P. SIBONGA


TINUPAD ni Beautederm CEO and founder Rhea Anicoche Tan ang kanyang pangako na magdo-donate ng isang milyong piso sa Kasuso Foundation na pinamamahalaan ng Ogie Diaz para sa breast cancer patients.

Sa Christmas party ng Kasuso Foundation na ginanap noong December 1, ibinigay na ni Ms. Rhea ang tseke na nagkakahalaga ng isang milyong piso para sa breast cancer patients na tinutulungan ng foundation.

Sa kanyang Facebook post naman ay nagpasalamat si Ms. Rhea sa lahat ng mga bumili ng mga ibinenta niyang items upang makalikom siya ng isang milyon piso.

"Sa lahat ng bumili ng aking gamit , sumali sa Aking Closet Clean Out for A CAUSE, nabigay na po natin ang Php1,000,000 ( one MILLION PESOS) na pinaghatihatian ng ating mga breast cancer patients. Marami na naman po tayong napangiti at napasaya. Salamat po! God bless us all! 🙏🫠🥹

"Nangako ako na magbebenta ako ng gamit ko, para mabigay pinangako kong Php 1,000,000 (One Million Pesos) at mabigay sa Christmas Party nila Kasuso Foundation 🥹🥰 Grabe si Lord!! Sa loob ng isang linggo at nabuo ko ito agad 🙏"

Samantala, hindi naman mapigilang kiligin ni Ms. Rhea nang makasama niya sa party ang isa sa mga hinahangaan niyang artista na si Primetime King Coco Martin. Lalo pa siyang kinilig nang ibeso at yakapin siya ni Coco.

Ipinost pa niya sa FB ang video clip ng special moment niya with Coco kasama ang caption na, "Ung hindi napigilan ng mommy Rei nyo ang kilig ke Coco Martin  😂😅 Merry Christmas our Kasuso Foundation Family!! We love you soo much!! Thank you for this chance Papa Ogie Diaz Love you!!"

Bukod kay Coco, nakisaya rin sa Christmas party ang iba pang celebrities sa pangunguna ng Beautederm ambassadors na sina Sam Milby at Gelli de Belen kasama pa sina Randy Santiago, Christian Bables, Eric Nicolas, Mama Loi, Tita Jegs, Tonton, at Dyosa Pockoh.










Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies