Vilma isosoli ang kandila ng pagiging ninang sa kasal nina Aga at Charlene kung hindi tinanggap ng aktor ang "Uninvited"

ni GLEN P. SIBONGA


PABIRONG binantaan pala ni Star for All Seasons Vilma Santos si Aga Muhlach kung hindi tinanggap ng award-winning actor ang pelikulang "Uninvited" na reunion project nila matapos ang matagal na panahong hindi pagsasama sa trabaho.

Ayon kay Ate Vi sa grand launch ng "Uninvited" na ginanap sa Solaire Resort North, Quezon City noong Nobyembre 20, "Noong nabuo na ito ("Uninvited"), nag-usap na kami nina Direk Dan Villegas, wala talagang ibang choice to play Guilly. Talagang right away ang isang unang pangalan na ibinagsak, totoo ito ha, ay si Aga Muhlach.

“That’s why nung tumawag sa akin si Aga, and then sinabi niya na, ‘Ano, Vi? Totoo ba gagawin natin pelikula ito? Totoo ba gagawa tayo ng pelikula?’

“Tapos sabi ko, ‘Oo, Aga! Tanggapin mo dahil kung hindi, isosoli ko na yung kandila bilang ninang niyo ni Charlene (Gonzalez) sa kasal. Pag hindi mo tinanggap ito, ibabalik ko na yung kandila niyo ni Charlene!' Kasi ninang nila ako sa kasal. 'Kaya tanggapin mo na ito dahil gusto na kitang bakbakan!’ Doon nag-umpisa yun. And now, eto na tapos na yung pelikula namin.”

Sagot naman ni Aga, hindi pwedeng hindi niya tanggapin ang proyektong ito kasama si Ate Vi lalo na nga't matagal na noong huli silang nagsama sa pelikula. Tinawagan niya lang si Ate Vi para kumpirmahin dito na gagawa nga sila ng pelikula. At wala nang pagdadalawang-isip na kaagad niyang tinanggap ang "Uninvited."

Bukod kay Aga, ipinagmamalaki rin ni Ate Vi ang iba pang magagaling na mga artistang kasama nila sa pelikula na kinabibilangan nina Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Ketchup Eusebio, RK Bagatsing, Gio Alvarez, Gabby Padilla, Cholo Barretto, Elijah Canlas, Ron Angeles, at iba pa.

Directed by Dan Villegas and produced by Mentorque Productions, ang "Uninvited" ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa December 25 bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2024.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies