Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano gumawa ng kasaysayan sa 40th Star Awards for Movies; Dingdong Dantes, Alden Richards nagwagi rin
ni GLEN P. SIBONGA
FIRST time sa history ng Star Awards for Movies na tatlong movie queens ang nagwagi sa Movie Actress of the Year - sina Superstar at National Artist Nora Aunor (Pieta), Diamond Star Maricel Soriano (In His Mother's Eyes), at Star For All Seasons Vilma Santos (When I Met You In Tokyo) - kaya naman naging makasaysayan ang selebrasyon ng PMPC ng 40 taon o 4 na dekada ng naturang taunang pagbibigay ng parangal na ginanap nitong Linggo, July 21, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Quezon City.
Emosyonal ang naging pagsasama nina Nora at Maricel sa stage sa pagtanggap sa kanilang parangal. Anila, miss na miss nila ang isa't isa kaya naman ganun na lang ang yakapan at tsikahan nila sa stage.
Binati rin nila ang co-winner nilang si Vilma, na hindi nakadalo dahil nagkasakit ito.
Panalo naman sa Movie Actor of the Year ang Kapuso Royalties na sina Dingdong Dantes (Rewind) at Alden Richards (Five Breakups And A Romance).
Itinanghal na Movie of the Year ang Mallari habang Movie Director of the Year naman ang direktor nito na si Derick Cabrido.
Nakuha naman ng Litrato ang Indie Movie of the Year at ang Indie Movie Director of the Year para kay Louie Ignacio.
Movie Supporting Actor of the Year si JC Santos para sa "Mallari" at si LA Santos para sa "In His Mother's Eyes." Si Gladys Reyes naman ang Movie Supporting Actress of the Year para sa "Here Comes The Bride."
Naging espesyal din ang naging selebrasyon ng PMPC ng ika-40 taon o apat na dekada ng Star Awards for Movies sa pagbibigay ng Dekada Awards sa apat na tinitingalang mga artista sa Philippine showbiz - sina National Artist Nora Aunor, Christopher de Leon, Piolo Pascual, at Vilma Santos. Sina Nora at Christopher lang ang nakadalo para tanggapin ang kanilang awards. Ang grupong Anthology. PH naman ang nagbigay-pugay sa Dekada Awardees sa pamamagitan ng pag-awit ng inspirational songs.
Iginawad ang Lifetime Achievement Awards sa dalawang haligi ng Philippine showbiz na sina veteran actress Liza Lorena (Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award) at veteran movie producer Vic del Rosario Jr. (Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award). Si Asia's Songbird Regine Velasquez pa ang umawit sa pagbibigay ng tribute kay Boss Vic. Labis naman ang pasasalamat ni Liza na ang award na nakuha niya ay nakapangalan sa kanyang kaibigan na si Nora, na mismong nag-abot pa ng parangal sa kanya.
Pinarangalan naman ang mag-asawang sina Dingdong at Marian Rivera ng Takilya King & Queen dahil sa record-breaking success sa takilya ng pelikula nilang "Rewind."
Binigyang-parangal ng Ethel Ramos Dean’s Lister Award ang veteran columnist at dating PMPC President na si Ronald Constantino dahil sa malaking ambag niya sa club at maging sa industriya. Ang kaibigan nito at dating Tempo entertainment editor na si Nestor Cuartero ang tumanggap ng parangal.
Kuminang naman nang husto si Alden dahil bukod sa pagkapanalo niya ng Movie Actor of the Year at sa pagiging host ng Gabi ng Parangal kasama sina Robi Domingo, Bianca Umali, at Aiko Melendez, siya rin ang tumanggap ng parangal para sa kanila ni Julia Montes bilang Movie Loveteam of the Year. Idagdag pa riyan ang pagkapanalo niya ng special award bilang Male Shining Personality of the Night.
Well-applauded ang bonggang opening number ni Darren Espanto kasama ang Manoeuvres. Nagpamalas ng natatanging singing showdown sa finale number ang mga kampeon sa kantahan na sina Tawag ng Tanghalan Season 3 grand champion Laine Duran, The Voice Kids Season 1 grand champion na si Lyca Gairanod, Bida Next grand winner Carren Eistrup, at Pinoy Pop Superstar season 1 grand champion Jona.
Ang 40th Star Awards for Movies ay inorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernando. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay idinirehe ni Eric Quizon.
Sa speech ng PMPC President na si Rodel, binigyang- diin niya na patuloy na magbibigay ng parangal sa kabila ng mga pagsubok na hinarap ng club lalo na noong panahon ng pandemya.
"Hindi kami titigil sa pagbibigay parangal sa inyo dahil kayo ang aming pundasyon. Matatag ang PMPC dahil sa suporta ninyong mga artista, prodyuser, direktor at lahat ng manlilikha at manggagawa ng Pelikulang Pilipino. Kaya, sa ika-apat na Dekada ng Star Awards For Movies, ipagpapatuloy namin ang tradisyon ng pagbibigay parangal upang makapagbigay pa ng inspirasyon sa ating industriya," sabi ni Pangulong Rodel.
Ang kabuuan ng awards night ay ipalalabas sa A2Z sa July 27, Sabado,10:30 ng gabi.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 40th Star Awards for Movies:
MOVIE OF THE YEAR
Mallari (Mentorque Inc. and Cleverminds Inc.)
Mallari (Mentorque Inc. and Cleverminds Inc.)
MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR
Derick Cabrido (Mallari)
Derick Cabrido (Mallari)
MOVIE ACTOR OF THE YEAR
Dingdong Dantes (Rewind)
Alden Richards (Five Breakups And A Romance)
Dingdong Dantes (Rewind)
Alden Richards (Five Breakups And A Romance)
MOVIE ACTRESS OF THE YEAR
Nora Aunor (Pieta)
Vilma Santos (When I Met You In Tokyo) Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes)
Nora Aunor (Pieta)
Vilma Santos (When I Met You In Tokyo) Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes)
MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR
JC Santos (Mallari) and LA Santos (In His Mother’s Eyes)
JC Santos (Mallari) and LA Santos (In His Mother’s Eyes)
MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR
Gladys Reyes (Here Comes The Groom)
Gladys Reyes (Here Comes The Groom)
MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR
The Cast of “Mallari”
The Cast of “Mallari”
NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR
Dustin Yu (Shake Rattle And Roll Extreme – Rage episode)
Dustin Yu (Shake Rattle And Roll Extreme – Rage episode)
NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR
Ysabel Ortega (Firefly)
Ysabel Ortega (Firefly)
MOVIE CHILD PERFORMER OF THE YEAR·
Euwenn Mikaell (Firefly)
Euwenn Mikaell (Firefly)
MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR
Rodolfo Vera and Pepe Diokno (Gomburza)
Rodolfo Vera and Pepe Diokno (Gomburza)
MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR
Neil Daza (Firefly)
Neil Daza (Firefly)
MOVIE EDITOR OF THE YEAR
Noah Tonga (Mallari)
Noah Tonga (Mallari)
MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR
Francis Concio (Rewind)
Francis Concio (Rewind)
MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR
Ericson Navarro (Gomburza)
Ericson Navarro (Gomburza)
MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR
Immanuel Verona and Fatima Nerikka Salim (Mallari)
Immanuel Verona and Fatima Nerikka Salim (Mallari)
MOVIE THEME SONG OF THE YEAR
“Pag-Ibig Na Sumpa” Composed by Quest Arranged and interpreted by JK Labajo (from the movie “Mallari”)
INDIE MOVIE OF THE YEAR
Litrato (3:16 Media Network)
“Pag-Ibig Na Sumpa” Composed by Quest Arranged and interpreted by JK Labajo (from the movie “Mallari”)
INDIE MOVIE OF THE YEAR
Litrato (3:16 Media Network)
INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR
Louie Ignacio (Litrato)
INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR
Ralston Jover (Litrato)
Ralston Jover (Litrato)
INDIE MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR
Tom Redoble (Unravel: A Swiss Side Love Story)
Tom Redoble (Unravel: A Swiss Side Love Story)
INDIE MOVIE EDITOR OF THE YEAR
Gilbert Obispo (Litrato)
Gilbert Obispo (Litrato)
INDIE MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR
Pipo Cifra (Ako Si Ninoy)
Pipo Cifra (Ako Si Ninoy)
INDIE MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR
Dante Mendoza (Apag)
Dante Mendoza (Apag)
INDIE MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR
Albert Michael Idioma (Apag)
Albert Michael Idioma (Apag)
INDIE MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR
The Cast of “Pieta”
The Cast of “Pieta”
INDIE MOVIE THEME SONG OF THE YEAR
“Awit Para Kay Inay” Composed by Louie Ignacio
Arranged by Jem Florencio
Interpreted by Duane David
(from the movie “Litrato”)
“Awit Para Kay Inay” Composed by Louie Ignacio
Arranged by Jem Florencio
Interpreted by Duane David
(from the movie “Litrato”)
SHORT MOVIE OF THE YEAR
RRRHRWR, Carabao Noises (Blue Dreams Productions)
RRRHRWR, Carabao Noises (Blue Dreams Productions)
SHORT MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR
Vahn Leinard Pascual (Mary Go Round, Mary Go Round)
Vahn Leinard Pascual (Mary Go Round, Mary Go Round)
SPECIAL AWARDS:
MS. LIZA LORENA -- Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award
MR. VIC DEL ROSARIO, JR. – Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award
Takilya King and Queen
DINGDONG DANTES & MARIAN RIVERA
DARLING OF THE PRESS
Ramon “Bong” Revilla, Jr.
MOVIE LOVETEAM OF THE YEAR
Alden Richards and Julia Montes (Five Breakups And A Romance)
Ethel Ramos Dean’s Lister Award
MR. RONALD K. CONSTANTINO
DEKADA AWARDEES
National Artist Ms. Nora Aunor
Ms. Vilma Santos
Mr. Christopher De Leon
Mr. Piolo Pascual
Frontrow Celebrity of the Night
National Artist Nora Aunor
Luxxe Star Of the Night
Ailko Melendez
Male Face of the Night
Robi Domingo
Female Face of the Night
Marian Rivera
Male Shining Personality of the Night
Alden Richards
Female Shining Personality of the Night
Aiko Melendez
Frontrow Celebrity of the Night
National Artist Nora Aunor
Luxxe Star Of the Night
Ailko Melendez
Male Face of the Night
Robi Domingo
Female Face of the Night
Marian Rivera
Male Shining Personality of the Night
Alden Richards
Female Shining Personality of the Night
Aiko Melendez
Comments
Post a Comment