Itan Rosales humahataw ang career sa dami ng projects; Siya na ba ang bagong Vivamax King?

ni GLEN P. SIBONGA


BONGGANG-BONGGA ang Vivamax actor at 3:16 Media Network talent na si Itan Rosales dahil talaga namang humahataw ang career niya ngayon sa dami ng projects na sunud-sunod niyang ginagawa.

Leading man ni Rica Gonzales si Itan sa pelikulang “Hiraya,” na streaming na ngayon sa Vivamax. Prodyus ito ng 3:16 Media Network at directed by Sidney Pascua. 

Bida rin si Itan sa movie na “Kaskasero” with Christine Bermas at Angela Morena. Handog ng 3:16 Media Network, ang "Kaskasero" ay sa ilalim ng direksyon ni Ludwig Peralta at mula sa panulat nina Quinn Carrillo at Sidney Pascua. 

Makakasama rin si Itan sa pelikulang "Uhaw" ni Vivamax Queen Angeli Khang at Vivamax Princess Ataska. Ang "Uhaw" ay mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr.

Bukod diyan miyembro rin si Itan ng all-male group na VMX V, na madalas mag-perform sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City.

Kaya naman masayang-masaya si Itan at lubos na nagpapasalamat sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.

Ayon nga kay Itan, "Sobrang thankful syempre na nakikitaan po ako ng potensyal. Grateful lang po ako kaya gagawin ko lang ng maayos yung trabahong binibigay sa akin. Nagpapasalamat po ako sa Vivamax, sa 3:16 Media Network, sa lahat ng producers at directors na nagtitiwala sa akin, sa lahat ng mga nakakasama kong production crew at mga artista. At syempre sa manager ko na si Tita Len Carrillo, na todo ang pag-aalaga at pagmamahal sa akin at sa amin ng co-talents ko." 

Dahil sa dami ng kanyang ginagawang mga proyekto lalo na sa Vivamax. Kaya naman natanong namin si Itan kung siya na ba ang bagong Vivamax King?

"Ay, hindi po ako yun. Siguro ano lang po Vivamax Cute po. Hindi joke lang," biro ni Itan. "Alam naman po natin kung sino yung Vivamax King, di ba? Syempre yung ex-member po namin sa VMX V, respeto pa rin kay Sean de Guzman. Siya yung Vivamax King talaga e."

Kaya pinagpapala si Itan e, napaka-humble pa rin sa kabila ng paghataw ng kanyang career. At higit sa lahat marunong magpasalamat at magpahalaga sa lahat ng mga tumutulong at nagtitiwala sa kanya.

For sure, malayo pa ang mararating ni Itan sa showbiz.






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies