Isko Moreno, Cory Quirino, Diana Zubiri and family nakisaya sa selebrasyon ng National Hopia Day ng Eng Bee Tin

ni GLEN P. SIBONGA


DUMALO at nakisaya sa makulay na selebrasyon ng kauna-unahang National Hopia Day ng Eng Bee Tin Chinese Deli sina dating Manila Mayor Isko "Yorme" Moreno, TV host Cory Quirino, actress Diana Zubiri kasama ang pamilya niya sa event na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall noong Biyernes, Hulyo 19.

Pinangunahan ang pagdiriwang ng Eng Bee Tin President and Chairman na si Gerie Chua kasama ang kanyang pamilya pati na rin ng executives ng SM.

Sa kanyang opening remarks, ikinuwento ni Sir Gerie ang humble beginnings ng Eng Bee Tin Chinese Deli hanggang sa lumaki at lumago ang kanyang negosyo at kinikilala ngayon bilang #1 Filipino-Chinese Delicacy Brand in the Philippines.

Tumatanaw ng utang na loob si Sir Gerie kay Ms. Cory dahil ang veteran TV host ang kauna-unahang nag-interview sa kanya at nagtampok sa Eng Bee Tin sa telebisyon. Kaya masaya si Sir Gerie na nakadalo sa event si Ms. Cory.

Nagpapasalamat naman si Yorme Isko dahil kahit hindi na siya nakaupo sa posisyon ay iniimbita pa rin siya ng mga negosyanteng Manileño sa mga ganitong event at nararamdaman niya ang pagpapahalaga sa kanya.

Pagbati pa ni Yorme, "Congratulations sa event na ito! Sa mga bumubuo, sa staff, sa organizers congratulations sa inyong lahat! Sa lahat ng hopia maker, you have now a day in 365 days of the year we now call National Hopia Day."

Tinikman din ni Yorme ang mga bagong flavors ng Eng Bee Tin hopia. Nasarapan siya sa Hopia Sisig.

Masaya naman ang aktres na si Diana na naimbitahan sila ng kanyang pamilya sa event na ito dahil kabilang din sa kanyang paboritong kainin ay ang hopia. Natutuwa rin siya na napabilang sila sa ceremonial slicing and eating ng giant hopia ube ng Eng Bee Tin.

Ang National Hopia Day ay ginaganap sa SM Mall of Asia Music Hall mula July 19-21. Maglaro ng fun games at manalo ng hopia prizes. Makakabili rin ng mga produkto ng Eng Bee Tin Chinese Deli sa pangunguna ng kanilang famous Hopia Ube.










Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies