Kim Chiu brilliantly happy sa bagong endorsement na Hello! Melo

ni GLEN P. SIBONGA


AMINADO si Kim Chiu na bukod sa marami niyang TV shows at projects, nagpapa-happy at nagpapa-brilliant sa kanyang buhay ang bago niyang endorsement na Hello! Melo beauty drink sa ilalim ng Brilliant Skin Essentials ni CEO Glenda dela Cruz.

"Etong Brilliant bagong family ito. Bagong inquire lang ito sa amin pero ang bilis ng pangyayari. Nandito na ako ngayon sa harapan niyo. Nakabuo na kami ng mga pictorial, ng TV commercial. So, isa ito sa mga highlight talaga. Ang laking kumpanya ng Brilliant, so I'm very happy to be part of the Brilliant family. 

"Aside from that, nasabi ko ito sa PBB dati na gusto ko lang mapanood sa TV araw-araw. And nangyari na siya ngayon. Mondays to Sundays niyo po ako mapapanood ngayon sa TV. Araw-araw sa It's Showtime tuwing tanghali. Linlang tuwing gabi. ASAP tuwing Sunday. What's Wrong With Secretary Kim every Saturday and Sunday," masayang paglalahad ni Kim nang makausap namin siya sa launch niya bilang Hello! Melo endorser.

Happy rin ang Brilliant CEO na si Ms. Glenda na hindi sila nahirapang kunin si Kim at kaagad niya itong nakasundo lalo na noong mag-pictorial na sila at mag-shoot ng commercial. Naikuwento na nga raw niya kay Kim ang buong buhay niya.

Aminado rin si Ms. Glenda na marami silang pinagpiliang maging endorser pero si Kim ang nangibabaw. After Andrea Brillantes, Alden Richards, Kyle Echarri pati sina Paulo Avelino at Arci Muñoz para sa Brilliant Medical Group, si Kim ang perfect addition sa Brilliant family.





Comments

Popular posts from this blog

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Piolo Pascual visits Beautéderm HQ for a meet and greet; Rhea Tan celebrates 15 years in business

Rhea Tan nag-donate ng P1 milyon para sa breast cancer patients; Kinilig kay Coco Martin