Gillian Vicencio nagpapasalamat kay Rhea Tan sa tiwala na maging Beautederm ambassador


ni GLEN P. SIBONGA

Blessing para sa Star Magic at Rise artist na si Gillian Vicencio ang pagkatiwalaan bilang isa sa mga babies at ambassadors ni Rhea Anicoche Tan, ang CEO and President ng isa sa pinakasikat na brands pagdating sa pagpapaganda - ang BEAUTEDERM. 

Mga sikat at kilalang celebrities ang nasa roster of ambassadors, endorsers at social media influencers ni Ms. Rhea kaya very thankful ang actress na mapabilang dito. Lalo na nga't kasama rin niya sa Beautederm family ang mga kaibigan niyang sina DJ JhaiHo at Kimson Tan.

“Sobrang masaya kasi first endorsement ko ito, nakakatuwa na kahit baguhan at hindi pa ako ganoong kakilala ay nasama at pinagkatiwalaan ako ni Mommy Rei (Rhea) sa Beautederm.”

Inilabas na ang ilan sa mga photos ni Gillian sa page mismo ng Beautederm at masaya rin ang business mogul na si Ms. Rhea dahil aminado ito na mula sa pagganap ni Gillian bilang Tox sa serye at sa Four Sisters Before the Wedding ay napapanood at nais na niya itong mapabilang sa kanyang malaking pamilya.

Samantala, kabilang din si Gillian sa mga ipinakilala na makakasama sa newest Filipino adaptation na "Whats Wrong with Secretary Kim" na pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino under Dreamscape at VIU. Makakasama niya muli ang katambal niyang si Yves Flores na nagpakilig sa mga manonood.





Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies