"Becky and Badette" wagi ng Jury Prize sa Manila International Film Festival sa Hollywood


ni GLEN P. SIBONGA

Congratulations sa "Becky and Badette" ng The IdeaFirst Company sa pagwawagi nito ng Jury Prize sa Manila International Film Festival sa Hollywood.

Tinanggap ng isa sa mga bida ng pelikula na si Eugene Domingo kasama ang producer na si Perci Intalan ang naturang parangal sa ginanap na awards night.

Ayon sa post sa Facebook page ng The IdeaFirst Company, "Jun Robles Lana’s BECKY AND BADETTE wins the JURY PRIZE at the inaugural @manilaintlfilmfest in Hollywood! Thank you to the jury and the MIFF and MMFF teams! Congrats to all the winners!"

Masaya rin si Eugene dahil na-meet niya roon ang isa sa kanyang mga idolo na si Hilda Koronel. Reunited din ang aktres sa kanyang co-stars sa award-winning movie na "Big Night."

"Also Eugene Domingo met Ms Hilda Koronel, and reunited with her award-winning co-stars in BIG NIGHT! @christiaaan06 @johnarcilla @cedrickgjuan, with producer @percinotpercy," saad pa sa FB post ng IdeaFirst.

Ipinalabas sa Amerika sa pamamagitan ng Manila International Film Festival ang sampung entries sa nakaraang 2023 Metro Manila Film Festival kabilang na nga ang "Becky and Badette."






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies