Beautéderm building isang taon na; CEO Rhea Tan nag-celebrate kasama ang celebrity at local ambassadors
ni GLEN P. SIBONGA
Matagumpay ang ginawang Chinese New Year (CNY) party noong February 10 ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan kasama ang kanyang celebrity endorsers at local ambassadors ng Pampanga na nakisaya sa event kasabay rin ng selebrasyon ng first anniversary ng Beautéderm Headquarters sa Angeles City.
Dumalo sa pagdiriwang ang Beautederm celebrity ambassadors na sina Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Sam Milby, Alma Concepcion, Sunshine Garcia, Ervic Vijandre, DJ JhaiHo, Gillian Vicencio, Kimson Tan, Patricia Tumulak, Anne Feo, Ynez Veneracion, Darla Sauler, at DJ Chacha.
Kabilang naman sa namataan naming local ambassadors sina Ning Cordero, Michelle Viray, Voltaire Zalamea, IC Calaguas, Reina Manuel, Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at iba pa.
Kasabay ng CNY celebration, nagbigay rin ng tips for success si Ms. Rhea habang ipinagdiriwang ang 1st anniversary ng 7-storey building kung saan nakatayo ang kanyang mga negosyo - Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, at A-List Avenue.
Ayon kay Ms.Rhea, “Do the things you love with strength. And when success comes, make an impact. That’s our mission — to boost consumer confidence and give back to the community.”
Dagdag pa ng business magnate, “Be consistent. Hindi madali ang magtayo ng negosyo but you have to show up and be consistent. Always listen to your gut and people that genuinely love and support you. Huwag magmadali. It takes time.”
Sa tanong na ano ang kahulugan ng ‘success’ para sa kanya, sagot ni Ms. Rhea sa media, “When you see that the community you're supporting thrives, I count that as personal success.”
Nagkaroon ng building tour kasama ang guests at celebrities. Ipinakita ng Beautéderm boss ang Beauté Beanery kung saan nag-o-offer ng premium coffee, drinks, at food items; ang BeautéHaus naman ay kilalang skin clinic kung saan nagpro-provide ng beauty services at treatments; at ang A-List Avenue ay nagbebenta ng authentic high-end brands at designer labels.
Patuloy naman ang pamamayagpag ng Beautéderm at BlancPro sa market at plano pa nilang magdagdag ng products na safe at effective.
Nominado rin ang nasabing beauty business sa 5th VP Choice Awards for Beauty Cosmetic Brand of the Year. Voting will start on March 5 to April 5.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang social media pages ng Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, at A-List Avenue. Available rin ang skincare products sa Shopee, Lazada, at TikTok.
Comments
Post a Comment