Rhea Tan masaya sa successful opening ng kanyang A-List Avenue Vigan Branch kasama ang Beautederm ambassadors at A-Listers


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang-masaya ang Beautederm Group of Companies CEO na si Rhea Anicoche Tan sa matagumpay na grand opening ng kanyang A-List Avenue Branch 2 sa kanyang hometown sa Vigan City, Ilocos Sur kung saan nakasama niya ang Beautederm ambassadors at A-Listers na sina Jane Oineza, Ria Atayde, EA Guzman, Kakai Bautista, DJ DhaiHo, at Kimson Tan.

Kabilang sa Beautederm Group of Companies ni Ms. Rhea ang A-List Avenue, ang kanyang luxury store na nagbebenta ng mga high-end fashion brands tulad ng bags, wallets, jackets at marami pang iba.

Nagsilbi namang special guest at nakasama sa ribbon cutting si Ilocos Sur Governor Jerry Singson sa A-List Avenue Vigan Branch Opening na ginanap noong January 24 sa Beautederm Store Vigan sa UNP Town Center, Tamag, Vigan City.

Syempre dumalo rin sa opening ang mga kapamilya, kamag-anak at kaibigan ni Ms. Rhea sa pangunguna ng kanyang mahal na ina na si Mama Pacita Anicoche, na nag-birthday kamakailan lang, pati na rin ng kanyang kapatid na si Bambie at iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Sa kanyang Instagram post pinasalamatan ni Ms. Rhea si Gov. Singson. Pati na rin ang mga kapamilya at kaibigan ni Ms. Rhea gayundin ang iba pang sumuporta sa opening ng A-List Avenue Vigan.

"Agyaman Unay Apo Ilocos Sur Governor @jerrysingson 😍
Dios ti Agngina Family and Friends!
Cheers to More Branches!" ayon sa IG post ni Ms. Rhea.

Samantala, nakisaya rin si Ms. Rhea kasama sina EA Guzman, Kakai Bautista, DJ JhaiHo, at Kimson Tan sa Vigan Food Festival kung saan sinubukan nila ang mga lokal na putaheng tatak Vigan at iba pang pagkaing Pinoy.










Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies