Rayver Cruz nag-renew ng kontrata sa Beautederm; Nag-enjoy sa hakot challenge


ni GLEN P. SIBONGA

Labis ang pasasalamat ng Sparkle GMA Artist Center talent na si Rayver Cruz kay Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan dahil muli siyang pinapirma ng business magnate at lady boss ng panibagong kontrata para ipagpatuloy ang pagiging ambassador niya ng Beautederm.

Inihayag ito ni Ms. Rhea sa kanyang post sa Facebook, "Another Year with my Son Rayver Cruz 😍 Love you Nak."

Sa video clip na kasama ng post na ito ay inilahad ni Rayver ang kanyang pasasalamat kay Ms. Rhea. "Thank you Mommy Rhea. Thank you so much for everything. Beautederm baby forever."

Samantala, tuwang-tuwa si Rayver na pina-experience sa kanya ni Ms. Rhea ang Beautederm 1-minute Hakot Challenge, kung saan sa loob ng isang minuto ay pwede niyang iuwi ang lahat ng Beautederm products na mahahakot niya.

Sa video clip na pinost ni Ms. Rhea sa Facebook, hindi magkamayaw si Rayver sa paghakot ng Beautederm products. Pero kapansin-pansin na binalik-balikan niya ang Blanc Pads na aniya ay paborito niya.

Paborito ni Rayver ang Blanc Pads dahil nagagamit niya ito sa pagtatanggal ng makeup at napaka-gentle nito sa skin. Nakaka-fresh din ito ng mukha.

Isa pang paborito ni Rayver ay ang Beautederm Blanc Set dahil nawala ang pimples niya at kuminis ang face niya.

Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies