Beautederm ambassadors ni Rhea Tan humahataw sa MMFF
ni GLEN P. SIBONGA
Ipinagmamalaki ni Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan ang kanyang celebrity ambassadors na tinatawag niyang Beautederm babies dahil marami sa mga ito ay humahataw sa kinabibilangan nilang entries sa 49th Metro Manila Film Festival na patuloy na napapanood sa mga sinehan nationwide hanggang sa January 7.
Buo ang suporta niya sa mga ito kaya simula pa lang sa presscons at promo ng mga pelikula ng mga ito ay nag-provide na si Ms. Rhea ng Beautederm gift packs at giveaways.
Nangunguna na riyan ang bida ng "Mallari" na si Piolo Pascual, na may ngiting tagumpay dahil sa tinatamasang success nito sa box-office. Ngiting bagay sa ineendorse niyang Koreisu Toothpaste at Etre Clair Mouthwash and Spray mula sa Beautederm.
Kasama rin sa "Mallari" ang Best Supporting Actor winner at Beautederm ambassador na si JC Santos.
Excited ding panoorin ni Ms. Rhea ang "When I Met You In Tokyo" lalo na nga't kagagaling lang niya sa Japan para sa kanyang holiday vacation trip. Pinagbibidahan ang pelikula ni Star for All Seasons Vilma Santos at Beautederm ambassador na si Christopher de Leon. Kasama rin sa cast ang Beautederm ambassadors na sina Darren, Cassy Legaspi, at Kakai Bautista.
Suportado rin ni Ms. Rhea ang Beautederm anbassador na si Enchong Dee, na isa sa mga bida ng historical film na "Gomburza."
Sa Best Picture na "Firefly" naman kabilang ang Beautederm ambassador na si Ysabel Ortega.
Mga bida ng pelikulang "Rewind" sina Dingdong Dantes at Marian Rivera - na Face of Beautederm Home at BlancPro. Isa ang "Rewind" sa mga humahataw sa takilya.
Kabilang ang Beautederm ambassador na si Tonton Gutierrez sa cast ng "Family of Two," na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards.
Sinuportahan din sa giveaways ng Beautederm ang "Becky and Badette," na madalas i-host ang mall shows, events, at presscons ng Beautederm ambassador na si DJ JhaiHo.
Suportado rin ng Beautederm ang "Kampon" nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay.
O di ba, halos lahat ng MMFF entries ay ramdam ang presensya ng Beautederm at ng ambassadors nito.
Kaya naman very happy si Ms. Rhea sa pagpasok ng bagong taon at kine-claim na niya ang mas magandang taon ngayong 2024 para sa Beautederm.
Comments
Post a Comment