Bagong pamunuan ng PMPC naihalal na; Rodel Fernando magsisilbing Pangulo
ni GLEN P. SIBONGA
Naihalal na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa taong ito. Naganap ang eleksyon nitong Biyernes, Enero 12, 2024 sa opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City.
Magsisilbi bilang bagong Pangulo si Rodel Fernando, na dalawampung taon nang aktibo sa PMPC at ilang taon na ring humawak ng iba't ibang posisyon sa pamunuan ng grupo.
Nakilala si Rodel bilang entertainment press, radio anchor, at online show host. Naging supervising producer at talent coordinator din siya sa ilang pelikula, TV shows, at live shows.
Ang iba pang nagwagi sa eleksyon ay sina Eric Borromeo (Vice President), Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), John Fontanilla (Auditor), Leony Garcia at Glen Sibonga (Public Relations Officers).
Ang Board Members naman ay binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Fernan de Guzman, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.
Nangangako ang pamunuang ito na pangungunahan ng bagong halal na Pangulo na si Rodel na paiigtingin pa ang pagkilos para sa ikauunlad ng club. Asahan din ang mga makabuluhang proyekto na isasakatuparan ng naturang samahan.
Nakatakda namang ianunsiyo sa darating na mga araw ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyales.
Ang PMPC ang namamahala at nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.
Comments
Post a Comment