Posts

Showing posts from January, 2024

Rayver Cruz nag-renew ng kontrata sa Beautederm; Nag-enjoy sa hakot challenge

Image
ni GLEN P. SIBONGA Labis ang pasasalamat ng Sparkle GMA Artist Center talent na si Rayver Cruz kay Beautederm CEO Rhea Anicoche Tan dahil muli siyang pinapirma ng business magnate at lady boss ng panibagong kontrata para ipagpatuloy ang pagiging ambassador niya ng Beautederm. Inihayag ito ni Ms. Rhea sa kanyang post sa Facebook, "Another Year with my Son Rayver Cruz 😍 Love you Nak." Sa video clip na kasama ng post na ito ay inilahad ni Rayver ang kanyang pasasalamat kay Ms. Rhea. "Thank you Mommy Rhea. Thank you so much for everything. Beautederm baby forever." Samantala, tuwang-tuwa si Rayver na pina-experience sa kanya ni Ms. Rhea ang Beautederm 1-minute Hakot Challenge, kung saan sa loob ng isang minuto ay pwede niyang iuwi ang lahat ng Beautederm products na mahahakot niya. Sa video clip na pinost ni Ms. Rhea sa Facebook, hindi magkamayaw si Rayver sa paghakot ng Beautederm products. Pero kapansin-pansin na binalik-balikan niya ang Blanc Pads na aniya ay pabori

Rhea Tan masaya sa successful opening ng kanyang A-List Avenue Vigan Branch kasama ang Beautederm ambassadors at A-Listers

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang-masaya ang Beautederm Group of Companies CEO na si Rhea Anicoche Tan sa matagumpay na grand opening ng kanyang A-List Avenue Branch 2 sa kanyang hometown sa Vigan City, Ilocos Sur kung saan nakasama niya ang Beautederm ambassadors at A-Listers na sina Jane Oineza, Ria Atayde, EA Guzman, Kakai Bautista, DJ DhaiHo, at Kimson Tan. Kabilang sa Beautederm Group of Companies ni Ms. Rhea ang A-List Avenue, ang kanyang luxury store na nagbebenta ng mga high-end fashion brands tulad ng bags, wallets, jackets at marami pang iba. Nagsilbi namang special guest at nakasama sa ribbon cutting si Ilocos Sur Governor Jerry Singson sa A-List Avenue Vigan Branch Opening na ginanap noong January 24 sa Beautederm Store Vigan sa UNP Town Center, Tamag, Vigan City. Syempre dumalo rin sa opening ang mga kapamilya, kamag-anak at kaibigan ni Ms. Rhea sa pangunguna ng kanyang mahal na ina na si Mama Pacita Anicoche, na nag-birthday kamakailan lang, pati na rin ng kanyang kapatid na si

PAO Chief Atty. Persida R. Acosta tumayong inducting officer ng mga bagong halal na PMPC officers

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) kay Public Attorney's Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta na tumayong inducting officer sa oath taking at induction na ginanap nitong Huwebes, Enero 25, sa Peng Lai Finest Chinese Cuisine restaurant sa  Times St., Quezon City. Nanguna sa oath taking ang bagong Pangulo ng PMPC na si Rodel Fernando kasama ang iba pang opisyal na kinabibilangan nina Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), John Fontanilla (Auditor), at Glen Sibonga (Public Relations Officer). Kasama ring nanumpa ang Board Members na binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Fernan de Guzman, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon. Hindi nakadalo sa oath taking ang Vice President na si Eric Borromeo at isa pang PRO na si Leony Garcia. Naging saksi naman sa oath taking ang mga miyembro ng

Philippine’s “Trans Dual Diva” Sephy Francisco handang-handa na sa kanyang major concert!

Image
ni GLEN P. SIBONGA " This Is Me, Sephy " ito ang titulo ng kauna-unahang major concert ng  Philippine’s  “Trans Dual Diva”  at napanood sa  X Factor UK/ I Can See Your Voice Korea) na si Sephy Francisco na gaganapin sa  Rampa Drag Club 40 Eugenio Lopez Dr, Diliman Quezon City sa January 26, 2024.  Ang " This Is Me Sephy ay hatid ng BB House Of Talents nina Businesswoman & Philanthropist  Cecille Bravo and Businessman & Philanthropist at siyang director ng nasabing concert na si Raoul Barbosa. Very thankful daw si Sephy sa BB House Of Talents sa tiwalang ibinigay sa kanya para magkaroon ng malaking konsiyerto. " Until now ay di pa rin nagsi sink in  sa utak ko na meron na akong major concert, " " Grabe dati nanganngarap lang ako na someday magkakaroon din ako ng sarili kong concert, tiyaga lang, tiwala sa sariling kakayahan, magandang pakikisama sa industriya at  paghusayan ang trabaho and soon matutupag yung dream mo at eto na nga yun, " "

Mga bida ng "Pira-Pirasong Paraiso" nagpapasalamat sa mga manonood sa matagumpay na pag-ere ng serye bago ang finale nito sa January 27

Image
ni GLEN P. SIBONGA Malaki ang pasasalamat ng mga bida ng “Pira-Pirasong Paraiso” na sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson, sa mga papuri ng mga manonood para sa matagumpay ng pag-ere ng kanilang serye kung saan umiigting ang mga eksena sa nalalabing episodes nito bago ang finale sa January 27. Ikwinento nina Loisa at Alexa sa isang episode ng “Magandang Buhay” kamakailan na nang dahil sa suporta ng viewers, maayos nilang nabigyang-buhay ang kani-kanilang mga karakter at naging matagumpay ang takbo ng serye kung saan nakamit nito ang all-time high record na 118,395 live concurrent views sa Kapamilya Online Live noong Nobyembre. “Nung nabigyan ako ng isang eksena na action, natuwa po sila kaya sunod-sunod na ‘yung action scenes. Hindi kasi kami nag-training pero may nagtuturo sa amin sa set. Si Ronnie (Alonte), malaking parte rin siya sa akin kasi siya ‘yung nag-guide sa akin sa fight sequences,” sabi ni Loisa kung saan ito ang unang beses niyang sumabak sa act

Bagong pamunuan ng PMPC naihalal na; Rodel Fernando magsisilbing Pangulo

Image
ni GLEN P. SIBONGA Naihalal na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa taong ito. Naganap ang eleksyon nitong Biyernes, Enero 12, 2024 sa opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City. Magsisilbi bilang bagong Pangulo si Rodel Fernando, na dalawampung taon nang aktibo sa PMPC at ilang taon na ring humawak ng iba't ibang posisyon sa pamunuan ng grupo. Nakilala si Rodel bilang entertainment press, radio anchor, at online show host. Naging supervising producer at talent coordinator din siya sa ilang pelikula, TV shows, at live shows. Ang iba pang nagwagi sa eleksyon ay sina Eric Borromeo (Vice President), Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), John Fontanilla (Auditor), Leony Garcia at Glen Sibonga (Public Relations Officers). Ang Board Members naman ay binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Fernan de Guzman, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon. Nangangako ang

"Senior High" pasabog ang mga rebelasyon sa "The Ender To Remember" finale

Image
ni GLEN P. SIBONGA Mabubulgar na ang lahat ng mga sikreto sa Kapamilya teleseryeng “Senior High,” na tumabo na ng mahigit sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang “The Ender to Remember” finale  sa Enero 19.  Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman na rin sa wakas ni Sky (Andrea) mula kay Obet (Kyle Echarri) kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kambal niyang si Luna.  Iigting naman lalo ang mga puso para makuha ang pagmamahal ni Sky dahil pag-aagawan siya nina Obet at Gino (Juan Karlos), ang dating mga nobyo ni Luna. Pero hindi lang sila ang magpapakilig sa viewers dahil itutuloy ni Archie (Elijah Canlas) ang panliligaw niya kay Roxy (Xyriel Manabat), habang may posibilidad ding magkabalikan sina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez).  Dapat ding abangan ng mga manonood ang sunod-sunod na pasabog sa serye dahil tuluyan nang magwawala si Z (Daniela Stranner) sa Northford prom night dahil

Rampa Drag Club bagong entertainment venue hindi lang para sa LGBTQIA+ community kundi para sa lahat

Image
ni GLEN P. SIBONGA Bongga at pasabog ang media launch kamakailan sa Karma Lounge para sa paglulunsad ng pinakabagong entertaiment venue sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertainment scene ng LGBTQIA+ community, ang Rampa Drag Club.  Bigatin at di matatawaran ang mga owners ng Rampa na pinangungunahan ng kilalang LGBTQIA+ icon, aktor, at owner ng Frontrow na si RS Francisco; business owner Loui Gene Cabel; LGBTQIA+ advocate at negosyanteng si Cecille Bravo; Drag Race Philippines Season 1 Winner na si Precious Paula Nicole; Drag Race superstars na sina Viñas De Luxe at Brigiding; ang Philippines Acoustic Icon na si Ice Seguerra; at ang kanyang asawang aktres at producer na si Liza Diño. "When you meet the right people at the right moment for the right purpose, what you create is automatically elevated to not just a business enterprise but a vision with a purpose. I can't wait for people to experience what we have in store at Rampa," pahayag ni Ice nang m

OPM Legends Vernie Varga at Odette Quesada pararangalan ng PMPC sa 15th Star Awards for Music

Image
ni GLEN P. SIBONGA Pangungunahan ng OPM Legends na sina Vernie Varga at Odette Quesada ang mga pararangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa 15th Star Awards for Music. Igagawad sa tinaguriang The Vamp na si Vernie ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award. Kabilang sa mga kantang pinasikat ng Jazz Diva ang signature song niyang "Number One" pati na ang "Love Me Again," "A Little Kiss, A Little Hug," "Just For You," "I'm Me," "All I Need," at "Palabra De Honor" - na theme song ng pelikula na may kaparehong titulo. Ipagkakaloob naman sa singer-songwriter na si Odette ang Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award. Unang nakilala sa mundo ng musika si Odette bilang songwriter matapos magwagi ng second prize sa Metro Manila Popular Music Festival o Metropop amateur division noong 1982 ang komposisyon niyang "Give Me A Chance," na inawit ni Ric Segreto. Nang sumunod na taon naging grand p