Rampa Drag Club bagong entertainment venue hindi lang para sa LGBTQIA+ community kundi para sa lahat
ni GLEN P. SIBONGA
Bongga at pasabog ang media launch kamakailan sa Karma Lounge para sa paglulunsad ng pinakabagong entertaiment venue sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertainment scene ng LGBTQIA+ community, ang Rampa Drag Club.
Bigatin at di matatawaran ang mga owners ng Rampa na pinangungunahan ng kilalang LGBTQIA+ icon, aktor, at owner ng Frontrow na si RS Francisco; business owner Loui Gene Cabel; LGBTQIA+ advocate at negosyanteng si Cecille Bravo; Drag Race Philippines Season 1 Winner na si Precious Paula Nicole; Drag Race superstars na sina Viñas De Luxe at Brigiding; ang Philippines Acoustic Icon na si Ice Seguerra; at ang kanyang asawang aktres at producer na si Liza Diño.
"When you meet the right people at the right moment for the right purpose, what you create is automatically elevated to not just a business enterprise but a vision with a purpose. I can't wait for people to experience what we have in store at Rampa," pahayag ni Ice nang ma-interview namin siya sa mediacon launch.
"This is a fulfillment of a dream to elevate the drag scene in the Philippines and continue to support the future of drag as an art form in the country," sabi naman ni RS. "Ang pagsasanib-pwersa ng kanilang mga kakayahan ay inaasahang mag-aangat ng estado ng drag culture at LGBTQIA+ sa Pilipinas."
Katuparan naman ng kanyang pangarap para kay Precious ang maging co-owner ng isang drag club.
Aniya, "From being a performer in drag clubs, then as a contestant on a reality show, I can't believe that now I will be a co-owner of my own drag club and nurture our baby drag queens. Dreams do come true."
Benepisyo para sa Komunidad ng LGBTQIA+
Ang Rampa Drag Club ay hindi lamang isang entertainment venue, ito rin ay isang platform para sa diversity and inclusion. Sa pagtatampok ng ilan sa pinakamahusay na drag shows at performances sa bansa, layunin ng club na tanggalin ang stereotypes at stigma tungkol sa drag culture at pag-ibayuhin ang diversity sa loob ng komunidad ng LGBTQIA+.
Ipinapangako ng club na magkakaroon ng mga themed nights na naka-focus sa iba't ibang aspeto ng spectrum ng LGBTQIA+. Mula sa Lesbian Nights hanggang sa Transgender Nights, nais ng Rampa Drag Club na maging isang safe space para sa lahat lalo na sa LGBTQIA+ community.
What to expect: A home for all
Ang Rampa Drag Club ay magiging bagong bahay hindi lamang para sa mga taga-suporta ng drag kundi pati na rin sa buong komunidad ng LGBTQIA+. Ito ay magiging lugar din para sa lahat - maging straight o miyembro ng komunidad - hatid ang masayang pagsasalarawan ng sining ng drag.
Inaasahan ang mga dekalidad na performances, kakaibang drag shows, na magdadala ng bagong entertainment sa Quezon City.
Tara nang rumampa sa Rampa Drag Club lalo na sa soft opening nito sa January 17, 2024 at sa grand opening sa February 10, 2024.
Come and visit the Rampa Drag Club, where every night is a celebration of diversity, empowerment, and the vibrant colors of the LGBTQIA+ spectrum.
Comments
Post a Comment