"Ice Is Coming To Clowns" aarangkada na sa Clowns Republik sa Disyembre 13


ni GLEN P. SIBONGA

Kung may Christmas song na "Santa Claus Is Coming To Town," si Ice Seguerra naman ay may Pamaskong handog na "Ice Is Coming To Clowns" na gaganapin sa Clowns Republik sa Disyembre 13, 2023.

Ang "Ice Is Coming To Clowns," na benefit show para sa Philippine Movie Press Club, ay produced ng PMPC in cooperation with Precision Image Digital Broadcast Solution by Samantha, katuwang din ang Fire & Ice Media and Productions Inc. nina Ice at Liza Diño Seguerra.

Makakasama ni Ice sa naturang intimate concert sina Ryan Gallagher at Ima Castro plus special guests na kinabibilangan nina Sarah Javier, Laverne Arceo, Gem Castillo, Cye Soriano, Christi, Janah Reyes, Orange, at Mike Villamor.

Ang entrance ticket ay nagkakahalaga ng P1,000. For reservation maaaring tumawag o kumontak sa 09277489834 o sa 09156590836.

Kaya makisaya at maki-sing along na kay Ice at sa kanyang guests sa "Ice Is Coming To Clowns" sa Clowns Republik sa Quezon Avenue, Quezon City sa Disyembre 13.



Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies