Alden, Andrea, Luis, Mariel, at iba pang celebrities pinakinang ang Brilliant Awards 2023


ni GLEN P. SIBONGA

Kuminang at nagningning ang Brilliant Awards 2023: The Brightest of All Time ng Brilliant Skin Essentials sa appearances at performances ng guest celebrities sa pangunguna ng brand ambassadors na sina Alden Richards at Andrea Brillantes kasama pa ang hosts na sina Luis Manzano at Mariel Rodriguez Padilla.

Lahat ng celebrities pati ang Brilliant Skin franchisees at distributors ay nagbigay-pugay kay CEO Glenda Dela Cruz, na labis ang pasasalamat sa lahat dahil sa tinamasang tagumpay ng kumpanya at brand ngayong 2023.

Nagdagdag kinang din sa Brilliant Awards 2023, na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts noong Disyembre 21, ang performances nina Paulo Avelino, Juan Karlos, Kyle Echarri, Kean Cipriano, KZ Tandingan, Jason Dy, A-Team, Jackie Gonzaga, at D-Grind. Present din sa event sina Korina Sanchez at Daniel Matsunaga.

Samantala, pinarangalan sa Brilliant Awards 2023 ang Top Sales Achievers of the Year, Elite Network Builders, Livestreamers of the Year, at iba pang natatanging franchisees at distributors ng Brilliant Skin.












Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies