'Spingo' mamimigay ng swerte at papremyo simula ngayong Setyembre 11; John Arcilla feeling naka-jackpot bilang game show host


ni GLEN P. SIBONGA

Feeling naka-jackpot ang multi-awarded actor na si John Arcilla nang kunin siya bilang host ng bagong game show sa TV5 produced by The IdeaFirst Company, ang "Spingo," na mamimigay ng swerte at papremyo simula ngayong Lunes, Setyembre 11.

"Actually, my family is really fond of watching game shows. Simula noong bata pa lang ako yun ang talagang entertainment namin sa bahay. Pero never ko na-imagine na magiging host ako. Although gustung-gusto ko yung trabaho nila. Sabi ko, kasi nakaka-break iyon sa trabaho ko bilang aktor. Kasi I have my light side naman. 

"Kaya nung malaman ng family ko na maghu-host ako, sabi nila, 'Yan lalalabas ang pagiging natural mo.' Tutal sabi ko rin naman hindi ko siya talaga pinapangarap pero parang iniisip ko na gusto kong maging. So, parang naka-jackpot ako rito!" paliwanag ni John.

Blessing din para kay John na sa pagiging host niya ng "Spingo" ay hindi lang siya nagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood kundi nagiging daan din siya upang makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng ipinamimigay na mga papremyo sa show.

"Kasi ang feeling ko makakapagpasaya ako ng mga kababayan natin, at the same time makaka-augment doon sa mga pang-araw-araw na mga pangangailangan nila. Isipin mo naman maaari kang manalo ng P100,000 nanonood ka lang sa bahay, tumatantos ka lang. At walang bayad yung app, walang bayad yung (electronic) card. So, sa side na iyon doon ako masaya, kasi ang sarap tumulong tapos nakapagpasaya ka pa," sabi ni John.

Kasama ni John sa "Spingo" bilang co-host ang Spingorgeous Girl na si Sam Coloso. 

Mapapanood ang "Spingo" mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30pm, sa TV5 simula ngayong September 11.



Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies