Moira Dela Torre unang brand ambassador ng Maria Clara Sangria; Gumawa ng bagong jingle para sa brand


ni GLEN P. SIBONGA

Ipinagmamalaking ipakilala ng Maria Clara Sangria ang kauna-unahan nitong brand ambassador at celebrity endorser sa katauhan ng mahusay na singer-songwriter na kilala sa kanyang heartfelt lyrics at hugot songs, si Moira Dela Torre.

Si Moira ang may akda ng anthem na “Maria Clara,” isang full-length song na bagong jingle ng brand. Pinahiram din niya ang kanyang tinig upang maikalat ang positibong mensahe ng self-love, ano man ang sitwasyon. 

Sinasabi ng “Maria Clara” sa lahat na kung minsan, okay lang na hindi maging okay, ngunit hindi kailangang magmadali at siguradong lahat ay magiging maayos. "Everything will be alright," ika nga.

Humanized ang leading brand sa pamamagitan ng “Maria Clara.” Dito makikita na isang steady companion ang produkto at isa rin itong mabuting kaibigan sa panahon ng pangangailangan. 

Ayon nga kay Moira,  "It's basically a friend for all seasons. And so, ‘Maria Clara’ is a reminder of where youve been and where you're going and who you are as a woman."

Dagdag pa ni Moira, nais niyang mag-focus sa epekto ng Maria Clara sa buhay ng mga tao, "It's been a friend. It helped ease loneliness, it has helped people cope, It has helped people celebrate."

At ngayon, maaari nang i-enjoy ang mga milestones ng buhay ng walang alcohol kasama ang Maria Clara Virgin Sangria, na akma sa mensahe ni Moira na maging totoo sa ating mga sarili.

Pakinggan at mag-enjoy sa lyrics at melody ng “Maria Clara,” na sinulat ni Moira, habang umiinom ng Maria Clara Sangria o Maria Clara Virgin.

Mapapakinggan ang “Maria Clara” ni Moira Dela Torre sa Spotify. Mabibili ang Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin sa lahat ng major retail outlets.

Para sa karagdagang impormasyon sa Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin Sangria at para sa kapana-panabik na news updates kay Moira Dela Torre, sundan ang Maria Clara Sangria on Facebook, Instagram and TikTok sa @mariaclarasangria.ph.






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies