Maricel Soriano sinorpresa ng 'Pira-Pirasong Paraiso' stars na sina Charlie, Alexa, Elisse, at Loisa


ni GLEN P. SIBONGA

Sinorpresa si Maricel Soriano ng "Pira-Pirasong Paraiso" stars na sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Elisse Joson, at Loisa Andalio sa mediacon bilang pag-welcome sa Diamond Star sa pagpasok nito sa mas pinatinding bagong yugto ng afternoon drama series.

Sa naturang mediacon ay inihayag ni Maricel at ng apat na young actresses ang kanilang excitement na magkasama sa trabaho. Binigyan pa ng advise ni Maricel ang apat.

Level-up na nga ang mga pasabog na rebelasyon sa “Pira-Pirasong Paraiso” kung saan mapapanood si Maricel bilang si Amanda, ang lola ng magkakapatid na Paraiso. Si Amanda ang magiging susi para isa-isa nang mabigyan ng kasagutan ang mga sikreto sa masalimuot na nakaraan ng magkakapatid, pati na rin ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong Amy Paraiso, si Hilary (Elisse Joson) ba o si Baby (Loisa Andalio)?

Sa biglaang pagpasok ni Amanda sa buhay ng kanyang mga apo, magsusulputan din ang mga kagulat-gulat na katotohanan na maaaring maging sanhi ng tuluyang pagkakalayo ng loob sa isa’t isa ng magkakapatid. 

Bukod sa inaabangang mga rebelasyon sa serye, excited na rin ang netizens sa harap-harapang tarayan ng mga premyadong aktres na sina Maricel at Snooky Serna, pati na rin sa tagos sa pusong mga linyahan nina Hilary, Beth (Alexa Ilacad), Diana (Charlie Dizon), at Baby.

Bakit biglang pumasok si Amanda sa buhay ng magkakapatid? Ano-ano pang mga sikreto ang yayanig sa mundo ng mga Paraiso?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes ng 3 PM at kada Sabado ng 2:30 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies