Geneva Cruz special guest sa 'Everybody, Sing!' ngayong Setyembre 10; Pinuri si Vice Ganda


ni GLEN P. SIBONGA

Masayang nag-imbita si Geneva Cruz sa kanyang social media accounts na panoorin ang kanyang special guesting sa  "Everybody, Sing!" ngayong Linggo ng gabi, Setyembre 10.

Ayon kay Geneva sa kanyang post sa Facebook, nag-enjoy siya sa taping ng naturang ABS-CBN’s community singing game show, na kamakailan lang ay nagkamit ng parangal bilang Best Original Game Show sa ContentAsia Awards. Pinuri rin ni Geneva ang host ng show na si Vice Ganda.

"Manood po kayo mamaya ng @everybodysingph. I had fun watching and doing the taping a few days ago that my jaw started hurting. 😆 @praybeytbenjamin is hella funny and fabulous!!! 🤩 Abangan nyo po mamaya at 7 PM!!! 😊🫶🏼" sabi ni Geneva sa kanyang FB post.

Kakantahin ni Geneva ang ilan sa kanyang mga awitin habang hinuhulaan ng contestants o Songbayanan ang tamang lyrics ng mga ito.

Mapapanood ang "Everybody, Sing!" episode ni Geneva ngayong Linggo ng gabi, Setyembre 10, 7pm, sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.







Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies