ABS-CBN at GMA executives sanib-pwersa sa pagsuporta sa "It's Showtime"


ni GLEN P. SIBONGA

Nag-uumapaw sa kasiyahan at positive vibes ang “It’s Showtime” dahil sa sorpresang pagbisita ng ABS-CBN at GMA executives nitong Huwebes (Setyembre 28).
 
Tuwang-tuwa nga ang "It's Showtime" hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Amy Perez, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu pati na sina Ryan Bang, Ion Perez, Jackie at Cianne at naging mainit ang pag-welcome nila sa mga Kapamilya at Kapuso executives.

Nakasama ng “It’s Showtime” hosts sina ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes at GMA senior vice president for programming, talent management, worldwide, and support group Annette Gozon-Valdez sa pagbati sa audience at manonood.
 
Hindi rin nila pinalampas ang pagkakataon na isigaw ang linyang, “What’s up Madlang people” at “What’s up Madlang Kapuso.”
 
Kasama rin nina Cory at Annette sina ABS-CBN head of non-scripted formats TV production Lui Andrada, Sparkle GMA Artist Center vice president Joy Marcelo, Sparkle senior talent manager Tracy Garcia, Janna Revilla, at Carmina Cruz.
 
Noong Hulyo, naging makasaysayan ang pagbubukas ng “It’s Showtime” sa GTV kasunod ng partnership ng ABS-CBN at GMA para sa pag-ere nito. Dagdag pa rito, naging sunod-sunod din ang paglabas ng iba’t ibang Kapuso stars sa Kapamilya noontime show.
 
Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa GTV tuwing Martes, Miyerkules, at Biyernes, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" tuwing 11:45 AM sa YouTube channel ng "It's Showtime."



Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies