'Monday First Screening' palabas na ngayong Agosto 30; Direk Benedict Mique na-challenge na ipakita ang love sa pagitan nina Gina Alajar at Ricky Davao sa pelikula


ni GLEN P. SIBONGA

Aminado si Direk Benedict Mique na na-challenge siya na ipakita ang pagmamahalan ng dalawang senior citizens na ginagampanan nina Gina Alajar at Ricky Davao sa pelikulang "Monday First Screening" na palabas na sa mga sinehan ngayong Agosto 30.

"Seriously speaking, it's a challenge na maipakita yung love sa pagitan ng senior citizens na ginagampanan ng ating dalawang bida.  But the whole cast especially Direk Gina and Direk Ricky totally delivered. Mas lalo akong bumilib sa kanilang dalawa," papuri ni Direk Benedict.

Nagpapasalamat nga kina Gina at Ricky si Direk Benedict pati na rin sina Ma'am Wilma Galvante at Sir Caesar Vallejos ng NET25 Films na tinanggap ng dalawang beteranong artista at direktor ang pelikula dahil perfect sa kanila ang roles ng mga bidang senior citizens.

Napanood ko na ang pelikula at hindi ko ine-expect na kikiligin ako sa dalawang senior citizens na nabigyan ng pagkakataong magmahal muli. Talagang nag-enjoy ako sa panonood. Nariyang may pagkakataong kinilig ako, tumawa, at lumuha sa mga eksena.

Napakahusay ng pagkasulat ng istorya at pagkadirehe ni Direk Benedict. Isama pa ang magaling na pagganap ng buong cast lalo na nina Gina at Ricky. Bentang-benta sa akin ang ligawan scenes kasama na ang pickup lines ni Ricky kay Gina.

Ang pelikula, na tinaguriang "senior citizen rom-com," ay nakasentro sa kwento ng dalawang senior citizens na may namuong pagmamahalan mula sa panonood ng mga libreng pelikula sa unang screening tuwing Lunes gaya ng ginagawa ng marami sa ilang mall sa Metro Manila.

Mas makikilala ng mga manonood si Lydia, ang karakter ni Gina, na isang retiradong high school principal na sumasama sa grupo ng mga senior citizen gaya niya para manood ng sine sa mall. Dito magkakakilala ang mga karakter nina Gina at Ricky.

Ayaw naming i-spoil ang mga eksena kaya panoorin niyo na lang ang "Monday First Screening" - a must-watch heartwarming movie.

Matutunghayan rin sa pelikula ang award-winning actors na sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos, Ian Ignacio, at David Shouder, kasama ang umuusbong na loveteam na dapat abangan - Allen Abrenica at Reign Parani.

Ang "Monday First Screening," na first movie project ng NET25 Films, ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula ngayong Agosto 30, distributed by Regal Entertainment.



Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies