Celebrity ambassadors at CEO Rhea Tan pinasaya ang mga dumalo sa Franchisee Ball at 14th Anniversary ng Beautederm
ni GLEN P. SIBONGA
Umuwing masaya ang mga dumalo sa 2023 Franchisee Ball at 14th Anniversary celebration ng Beautederm na ginanap sa Hilton Clark Sun Valley Resort sa Clark, Pampanga noong Agosto 19 dahil nakisaya sa pagdiriwang ang celebrity endorsers, local ambassadors, at buong pamilya ng Beautederm sa pangunguna ng CEO at President nito na si Rhea Anicoche Tan.
Ang anibersaryo ng Beautederm ngayong taon ay may temang 14 Bravely Beauteful.
Humataw sa kanyang bonggang dance number ang bagong kasal na si Maja Salvador. Kasama pa ng aktres sa event ang kanyang mister na si Rambo Nuñez pati ang kapatid niyang si Jessie Salvador. Siyempre masaya sa kanilang pagdalo si Ms. Rhea, na isa sa mga ninang sa kasal nina Maja at Rambo.
Pinagkaguluhan at kinakiligan naman si Sam Milby ng Beautederm franchisees, sellers, at store owners habang kumakanta. Para-paraan sila sa pag-selfie kay Sam, na ikinatuwa naman ng aktor.
Nag-enjoy din ang lahat sa song numbers nina Andrea Brillantes, Ruru Madrid, Kakai Bautista, at JC Santos.
Nagbigay aliw naman ang production numbers nina Jelai Andres at Buboy Villar gayundin nina Boobay at Pepita Curtis.
Sumabak din sa kantahan kasama ang banda sina Edgar Allan Guzman, Ryle Santiago, Alex Castro, at Alma Concepcion.
Bukod sa mga nabanggit na, kabilang din sa Beautederm celebrity ambassadors na present sa event ay sina Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Ysabel Ortega, Thia Thomalla, Thou Reyes, Shyleena Herrera, at Sunshine Garcia-Castro.
Nagsilbing hosts ng programa sina DJ Jhaiho at Patricia Tumulak.
Nakisaya rin sa event ang local ambassadors gaya nina La Union Governor Rafy Ortega David, Jester Singson, Christienne Viloria, Joanna Ning Cordero, Voltaire Zalamea, Mich Viray, Marlon Tuazon, Mariah Santos, at marami pang iba
Pinarangalan sa Franchisee Ball ang Top Sellers of the Year sa pangunguna ng Top 1 Seller na si Elena Maria, na nagkamit ng trophy, P500,000 cash at Beautederm products.
Puno ng pasasalamat si Ms. Rhea sa lahat ng mga naging bahagi ng matagumpay na 14 years ng Beautederm.
Ayon nga sa kanyang Facebook post, na naging bahagi rin ng speech niya sa Franchisee Ball, "From the bottom of my heart, thank you for being part of Beautéderm’s success. You deserve everything in life. This is not just about me. It is also about you.
"So have fun tonight. Greet your seat mates. Smile and thank them. Have a conversation. Compliment them. Inspire them to do more, to do something meaningful and beautéful.
"That is the intention of Beautéderm—to make every Filipino beautéful inside and outside.
"We are a brand that goes beyond what you can see. Beautéderm gives confidence, helps people, and shifts lives.
"This a big moment for all of us. A celebration of 14th anniversary with the theme Bravely Beautéful: 14 Years of Setting the Gold Standard. I hope that somehow, my story will serve as an inspiration. I am standing here, still with big dreams to pursue.
"We must say goodbye to the glorious 14 years to welcome the next 14 and more!
"Let’s push for more. Let’s strive forward. Let’s stretch our arms wide for the next years.
"I am Rhea Ramos Anicoche-Tan, President and CEO of Beautéderm. And….I am….Bravely Beautéful."
Comments
Post a Comment