Posts

Showing posts from August, 2023

Andrea Brillantes umani ng mga papuri sa pagganap ng kambal sa 'Senior High'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Naging trending topic sa X ang ANDREAisLunaAndSky sa naunang dalawang episodes ng bagong Kapamilya teleseryeng "Senior High" nitong Lunes (Agosto 28) at Martes (Agosto 29) dahil na rin sa mahusay na pagganap ni Andrea Brillantes sa kambal na sina Luna at Sky. Umani rin ng mga papuri si Andrea mula sa netizens. Narito ang ilan sa kanila: "An ganda ng pilot episode of #SeniorHigh. Sobrang galing mo @iamandrea_b Andrea Brillantes in playing two characters.👏 Napag-iba mo totally sina Sky at Luna. I like how the show advocates for mental health. So did Luna really commit suicide? or someone killed her?" "Andrea @iamandrea_b did her assignment. Napag-iba niya effectively sina Sky and Luna, di lang sa looks kundi pati sa tono ng boses at sa nuances. From the biggest to the smallest details, binantayan at nabantayan ni Andrea and the #SeniorHigh team. Galing!" "I love the contrast between Luna's preppy but kind personality and Skye'

'Monday First Screening' palabas na ngayong Agosto 30; Direk Benedict Mique na-challenge na ipakita ang love sa pagitan nina Gina Alajar at Ricky Davao sa pelikula

Image
ni GLEN P. SIBONGA Aminado si Direk Benedict Mique na na-challenge siya na ipakita ang pagmamahalan ng dalawang senior citizens na ginagampanan nina Gina Alajar at Ricky Davao sa pelikulang "Monday First Screening" na palabas na sa mga sinehan ngayong Agosto 30. "Seriously speaking, it's a challenge na maipakita yung love sa pagitan ng senior citizens na ginagampanan ng ating dalawang bida.  But the whole cast especially Direk Gina and Direk Ricky totally delivered. Mas lalo akong bumilib sa kanilang dalawa," papuri ni Direk Benedict. Nagpapasalamat nga kina Gina at Ricky si Direk Benedict pati na rin sina Ma'am Wilma Galvante at Sir Caesar Vallejos ng NET25 Films na tinanggap ng dalawang beteranong artista at direktor ang pelikula dahil perfect sa kanila ang roles ng mga bidang senior citizens. Napanood ko na ang pelikula at hindi ko ine-expect na kikiligin ako sa dalawang senior citizens na nabigyan ng pagkakataong magmahal muli. Talagang nag-enjoy ako sa

CHED Commissioner Ronald Adamat milestone para sa kanya na maging bida at direktor ng pelikulang 'The Blind Soldiers'

Image
ni GLEN P. SIBONGA Itinuturing ni CHED Commissioner Ronald Adamat na isang milestone para sa kanya na pagbidahan at maging direktor ng pelikulang "The Blind Soldiers (Surrender Is Not An Option)." "Napakalaki ng fulfillment ko. Yun lang nairaos ko itong pelikulang bilang aktor at bilang direktor is a big milestone for me. Sabi nga sa subtitle ng movie na 'Surrender Is Not An Option,' talagang hindi ako sumurender, hindi ako sumuko. Pinangatawanan ko talaga ito. "Bagama't mga beterano itong mga ito (cast ng movie), pinilit kong sumabay. Salamat sa Diyos at nakaraos naman. Iyon ang realization ko talaga. And I hope this is not the last. For as long as may relevance yung movie, it is worth making," pahayag ni Comm. Ronald. Ginawa niya ang pelikula bilang bahagi ng pagtataguyog niya sa kanyang mga adbokasiya sa edukasyon at kapayapaan kaya hangad niya na sana tangkilikin ito ng mga manonood lalo na ng mga kabataan at estudyante. "This is a must-wat

Celebrities and local ambassadors support CEO Rhea Tan in celebrating 14 bravely beauteful years of Beautederm

Image
by GLEN P. SIBONGA Sam Milby, Andrea Brillantes, and Maja Salvador led the celebrities and local ambassadors in celebrating Beautederm’s 14th anniversary in Angeles City, Pampanga.  The popular brand’s owner and CEO Rhea Tan expressed her gratitude to the stars who supported her. With the theme Bravely Beautéful: 14 Years of Setting The Gold Standard, Tan recalled how she built her company. Beautéderm started as a small skincare brand in 2009. Today, Tan’s empire is one of the leading beauty and wellness brands.  “14 years ago, in 2009, I was just a simple 'tindera,' selling beauty products at my old house. Back then, I got a nudge and heard a little voice inside me say, 'Keep it up.' And yes I did,” Tan said in her speech.  She continued, “Much has changed over the years. Since I first took the plunge in 2009, the brand has grown so much. This brand is currently one of the leading beauty and wellness brands with branches all over the Philippines, and Southeast Asia, Ca

'Senior High' mapapanood na ngayong Agosto 28; Andrea, Kyle, Juan Karlos, Elijah, Zaijian, Xyriel may dalang aral sa mga manonood

Image
ni GLEN P. SIBONGA Mahahalagang aral tungkol sa mental health ang hatid na mensahe nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, sa bagong Kapamilya teleseryeng “Senior High," na mapapanood na simula ngayong Lunes (Agosto 28) ng 9:30 PM.  Isa itong mystery-thriller series kung saan bibigyang diin ang ilang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon tulad ng suicide, mental health, bullying, at peer pressure lalong-lalo na sa eskwelahan.  “We tackle sensitive topics. I really don’t wanna romanticize drugs, mental health, etc. I want to make this different and magkaroon talaga ng impact and makatulong talaga kami sa ibang tao na we need to take responsibility for our own life,” sabi ni Andrea. Magsisimula ang kwento ng “Senior High” sa kambal na sina Luna at Sky (Andrea). Ibang-iba ang kanilang personalidad dahil si Luna ay matalino at pabibo, habang si Sky naman ay may hinanakit sa kanilang nanay na si Tanya (Angel

Judy Ann Santos matagal nang gustong maging endorser ng Alaska Milk

Image
ni GLEN P. SIBONGA Hindi maikakailang isa si Judy Ann Santos sa most-sought after product endorsers, pero sa dami na ng ineendorso niyang mga produkto aminado si Juday na isa sa mga produkto at brands na matagal na niyang gustong iendorso ay ang Alaska Milk. Kaya naman puno ng pasasalamat at excitement si Juday sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng Alaska Milk na ginanap sa The Blue Leaf Events Pavilion sa McKinley Hills Village, Taguig noong Agosto 25. Mismong ang Marketing Director ng Alaska Milk na si Ms. Star Estacio ang nag-welcome kay Juday sa naturang event. Ayon nga kay Ms. Star, "In behalf of your Alaska Milk family, welcome! We're so thrilled and excited that you partnered with us. We have a lot to do in promoting SustasyaYUM campaign. Kinikilig kaming lahat na makasama ka." "I'm so happy to be a part of the Alaska Milk family," bulalas naman ni Juday. "Thank you. It's an honor to be a part of Alaska family. Finally, thank you

Celebrity ambassadors at CEO Rhea Tan pinasaya ang mga dumalo sa Franchisee Ball at 14th Anniversary ng Beautederm

Image
ni GLEN P. SIBONGA Umuwing masaya ang mga dumalo sa 2023 Franchisee Ball at 14th Anniversary celebration ng Beautederm na ginanap sa Hilton Clark Sun Valley Resort sa Clark, Pampanga noong Agosto 19 dahil nakisaya sa pagdiriwang ang celebrity endorsers, local ambassadors, at buong pamilya ng Beautederm sa pangunguna ng CEO at President nito na si Rhea Anicoche Tan.  Ang anibersaryo ng Beautederm ngayong taon ay may temang 14 Bravely Beauteful. Humataw sa kanyang bonggang dance number ang bagong kasal na si Maja Salvador. Kasama pa ng aktres sa event ang kanyang mister na si Rambo Nuñez pati ang kapatid niyang si Jessie Salvador. Siyempre masaya sa kanilang pagdalo si Ms. Rhea, na isa sa mga ninang sa kasal nina Maja at Rambo. Pinagkaguluhan at kinakiligan naman si Sam Milby ng Beautederm franchisees, sellers, at store owners habang kumakanta. Para-paraan sila sa pag-selfie kay Sam, na ikinatuwa naman ng aktor. Nag-enjoy din ang lahat sa song numbers nina Andrea Brillantes, Ruru Madrid,

Ruru Madrid at Sanya Lopez nag-imbita sa 14th Anniversary Warehouse Sale ng Beautederm

Image
ni GLEN P. SIBONGA Masayang nag-imbita ang Beautederm ambassadors na sina Ruru Madrid at Sanya Lopez para sa bonggang-bonggang Warehouse Sale sa Angeles City, Pampanga bilang bahagi ng selebrasyon ng 14th Anniversary ng Beautederm Corporation. Happy rin sina Ruru at Sanya na bahagi pa rin sila ng Beautederm Family sa selebrasyon ng 14th Anniversary nito. Kaya lubos ang pasasalamat nila kay Beautederm CEO and President Rhea "Rei" Anicoche Tan. Ayon nga kay Ruru sa video posted sa official Facebook page ng Beautederm, "Guess what? Beautederm is celebrating its 14th Anniversary. Ibang klase po talaga! 14 years of setting the gold standard.  "And the big news is grab your favorite Beautederm products sa murang halaga sa biggest Warehouse Sale on August 1-31 in Angeles, Pampanga. "Congratulations Beautederm, Mommy Rei and maraming-maraming salamat po!" Say naman ni Sanya sa version ng video invitation niya, "Beautederm is going strong and has become a mark