Judy Ann Santos matagal nang gustong maging endorser ng Alaska Milk
ni GLEN P. SIBONGA
Hindi maikakailang isa si Judy Ann Santos sa most-sought after product endorsers, pero sa dami na ng ineendorso niyang mga produkto aminado si Juday na isa sa mga produkto at brands na matagal na niyang gustong iendorso ay ang Alaska Milk.
Kaya naman puno ng pasasalamat at excitement si Juday sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng Alaska Milk na ginanap sa The Blue Leaf Events Pavilion sa McKinley Hills Village, Taguig noong Agosto 25. Mismong ang Marketing Director ng Alaska Milk na si Ms. Star Estacio ang nag-welcome kay Juday sa naturang event.
Ayon nga kay Ms. Star, "In behalf of your Alaska Milk family, welcome! We're so thrilled and excited that you partnered with us. We have a lot to do in promoting SustasyaYUM campaign. Kinikilig kaming lahat na makasama ka."
"I'm so happy to be a part of the Alaska Milk family," bulalas naman ni Juday. "Thank you. It's an honor to be a part of Alaska family. Finally, thank you Lord!"
Ano ba ang nagustuhan ni Juday sa Alaska Milk?
"Kasi totoo siya, totoong gatas siya. Wala siyang... kumbaga sa social media, wala siyang filter. Ako, ang pinakahinahanap ko sa lahat ng ginagamit ko lalo na pagdating sa gatas yung walang filter. Walang filter, walang dagdag, walang bawas. Yung buong-buong sustasya yung makukuha mo.
"So, when Alaska called us, our team, to be on board, wala nang mahabang usapan e," paliwanag ni Juday.
Bilang isang mabuting asawa kay Ryan Agoncillo at nanay kina Yohan, Lucho at Luna, gusto ni Juday na makapagbigay ng mga masusustansyang pagkain sa kanyang pamilya at malaki ang tiwala niya na maibibigay iyon ng Alaska Milk.
Ngayon nga ay katuwang na ng Alaska Milk si Juday sa kanilang SustasyaYUM campaign kung saan kabilang sa ipino-promote nila ang 5-minute, 5-ingredient Alaska SustasyaYUM gravy recipe na lalong makakapagpasarap sa fried chicken na paborito ng mga bata.
Napapanood na nga sa telebisyon ang TV commercial ni Juday kasama ang anak niyang si Luna para sa SustasyaYUM campaign.
Comments
Post a Comment