CHED Commissioner Ronald Adamat milestone para sa kanya na maging bida at direktor ng pelikulang 'The Blind Soldiers'


ni GLEN P. SIBONGA

Itinuturing ni CHED Commissioner Ronald Adamat na isang milestone para sa kanya na pagbidahan at maging direktor ng pelikulang "The Blind Soldiers (Surrender Is Not An Option)."

"Napakalaki ng fulfillment ko. Yun lang nairaos ko itong pelikulang bilang aktor at bilang direktor is a big milestone for me. Sabi nga sa subtitle ng movie na 'Surrender Is Not An Option,' talagang hindi ako sumurender, hindi ako sumuko. Pinangatawanan ko talaga ito.

"Bagama't mga beterano itong mga ito (cast ng movie), pinilit kong sumabay. Salamat sa Diyos at nakaraos naman. Iyon ang realization ko talaga. And I hope this is not the last. For as long as may relevance yung movie, it is worth making," pahayag ni Comm. Ronald.

Ginawa niya ang pelikula bilang bahagi ng pagtataguyog niya sa kanyang mga adbokasiya sa edukasyon at kapayapaan kaya hangad niya na sana tangkilikin ito ng mga manonood lalo na ng mga kabataan at estudyante.

"This is a must-watch movie. Every single Filipino should not fail to watch this especially the youngsters, the students. It portrays the value of education. Iyan ang number one sa akin, yung value ng education. There's no substitute for education.

"Of course, peace. I'm a peace advocate. Kahit na magulo sa Mindanao, hindi ako sumurender. Kahit hirap kami sa buhay bilang IP (indigenous people). May stereotyping pag IP na poor, walang pinag-aralan. But despite all these persecution, at least na-surpass, na-hurdle ko lahat iyan," paliwanag pa ni Comm. Ronald.

Ang "The Blind Soldiers" ay based on true events kaugnay ng naging karanasan noon bilang bahagi ng Teduray tribe ng mismong ama ni Comm. Ronald, na ginampanan naman niya sa pelikula.

Limang kalalakihan mula sa Teduray tribe sa Cotabato ang nagpalista at sumapi sa United States of Armed Forces in the Far East (USAFFE) noong World War 2 at Japanese invasion. Dahil walang pinag-aralan ay naharap sa mabibigat na mga pagsubok ang limang Tedurays, kung saan binansagan sila bilang "blind soldiers." Ngunit sa kabila ng pagiging "no read, no write" nangibabaw pa rin sa kanila ang katapangan, kabayanihan, at pagmamahal sa Pilipinas.

Ang kanilang karanasan bilang walang pinag-aralan sa USAFFE ang nakapagpamulat sa kanila ng kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman sinikap nilang pag-aralin ang kanilang mga anak pagkatapos ng digmaan kabilang na nga si Comm. Ronald noong bata pa siya.

Kasama ni Comm. Ronald sa pagganap bilang mga Teduray sina Long Mejia, Soliman Cruz, Gary Lim, at Bong Cabrera. Kabilang din sa cast sina Sue Prado, Jojit Lorenzo, Apollo Sheikh Abraham, Jaime Wilson, at Zhiane Franco.

Samantala, masayang ibinalita ni Comm. Ronald na pagkatapos ng nationwide screening ng "The Blind Soldiers" dito sa Pilipinas sa Setyembre ay naka-schedule na rin ang paglahok nito bilang finalist sa Saskatchewan International Film Festival sa Canada sa Oktubre 14-21, 2023.

Produced by Empowerment Film Productions and co-directed by Marinette Lusanta, ang "The Blind Soldiers" ay ipalalabas sa selected SM Cinemas at Robinson's Cinemas nationwide simula sa Setyembre 15.







Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies