Andrea Brillantes umani ng mga papuri sa pagganap ng kambal sa 'Senior High'


ni GLEN P. SIBONGA

Naging trending topic sa X ang ANDREAisLunaAndSky sa naunang dalawang episodes ng bagong Kapamilya teleseryeng "Senior High" nitong Lunes (Agosto 28) at Martes (Agosto 29) dahil na rin sa mahusay na pagganap ni Andrea Brillantes sa kambal na sina Luna at Sky.

Umani rin ng mga papuri si Andrea mula sa netizens. Narito ang ilan sa kanila:

"An ganda ng pilot episode of #SeniorHigh. Sobrang galing mo @iamandrea_b Andrea Brillantes in playing two characters.👏 Napag-iba mo totally sina Sky at Luna. I like how the show advocates for mental health. So did Luna really commit suicide? or someone killed her?"

"Andrea @iamandrea_b did her assignment. Napag-iba niya effectively sina Sky and Luna, di lang sa looks kundi pati sa tono ng boses at sa nuances. From the biggest to the smallest details, binantayan at nabantayan ni Andrea and the #SeniorHigh team. Galing!"

"I love the contrast between Luna's preppy but kind personality and Skye's quiet but angsty nature. It's honestly solid writing and good chemistry. Also I dig the vibe of the music."

"Andrea Brillantes has great chemistry with Andrea Brillantes; showing a clear, humorous contrast of personalities. Digging the vibe of this show so far."

"Blythe made Luna's character one heck of a character. Grabe yung difference ng dalawang characters. One actress but it felt like two different actress was playing it." 

"Andrea Brillantes,everyone! Grabeh apaka galing mo Blythe! Kuhang kuha mo ang mga emosyon tagos sa puso!!!"

Tumitindi pa ang mga eksena matapos mamatay ni Luna, na pinalabas na nag-suicide. Pero hindi kumbinsido si Sky na nagpakamatay ang kakambal niya. Handa siyang gumawa ng paraan upang lumabas ang katotohanan.

Ang “Senior High” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, ang mga direktor ng patok na revenge series na “Dirty Linen.” 

Handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC ang isang Dreamscape Entertainment production, tampok din sina Kyle Echarri, Elijah Canlas, Juan Karlos, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Daniela Stranner, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena.

Mapapanood na ang “Senior High” mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies