Quinn Carrillo puno ng pasasalamat sa pagkapanalong New Movie Actress of the Year sa 38th Star Awards for Movies


ni GLEN P. SIBONGA


Puno ng pasasalamat si Quinn Carrillo sa kanyang social media post matapos niyang manalong New Movie Actress of the Year sa 38th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap noong July 16 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ayon kay Quinn sa kanyang Facebook post, hindi niya inaasahang manalo. Iyong ma-nominate pa lang at mapansin ang kanyang pag-arte sa pelikulang "Silab" ay masaya na siya. Kaya malaking bonus na nagwagi pa siya.

Narito ang kabuuan ng FB post ni Quinn:

"Unexpected. 

"Di ko talaga inaasahan kasi masaya na ko na nominate ako. Bonus na lang yung pagkapanalo. 

"Gusto kong pasalamatan una sa lahat si Direk Joel Lamangan, ang nagluwal sakin sa industriyang ito. Kung ano man ang alam ko sa pag arte, utang ko po iyon sainyo. Hindi lahat, nabibigyan ng chance na madirek niyo ❤️ mapalad ako na nakatrabaho ko po kayo sa ilang mga pelikula, at naging writer niyo pa ❤️🙏🙏🙏 

"And also kay Direk Abdel at kay Direk Rosswil. Sa walang sawang pag encourage sakin pag nakikita niyo na paiyak na kami or nalulugmok pag di nakukuha ang dapat gawin 😂 malaking bagay po iyon saakin bilang baguhang artista.

"To 3:16 Media Network, sa pagbigay ng chance sakin at sa walang sawang tiwala na binibigay niyo sakin sa pagkuha sakin sa mga pelikula niyo bilang artista at writer. Kela sir Dennis, Tita Ghie, Nanay Mea, Tita Eia at buong production ❤️

"Syempre sa family ko Ollirrac Nylinaj, kela daddy, sa mga coaches ko Teacher Mia, Coach Donald, Teacher Jo, sa manager ko kay Tito Lito, sa mga kaibigan ko at sa mga coactors ko na walang sawang sumusuporta at naniniwala sa kakayahan ko bilang artista at manunulat. I am very grateful and lucky, to have such a great support system in my life. 

"And of course kela Tito Doms, Tito Roldan, Tito Nonie, Tita Pilar, Tito Leo, Tito Benny, Nay Jobert for always helping me and guiding me in this industry. 

"Maraming salamat po❤️"

Samantala, muling magpapamalas si Quinn ng kanyang husay sa pag-arte sa kanyang bagong pelikulang "Litrato" kasama si Ms. Ai Ai delas Alas. Directed by Louie Ignacio and produced by 3:16 Media Network, ang "Litrato" ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa July 26, 2023.

From showbiZBONGGA, congratulations, Quinn!



Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies