Quinn Carrillo nagpapasalamat sa New Movie Actress of the Year nomination sa 38th Star Awards for Movies


ni GLEN P. SIBONGA

Lubos ang pasasalamat ni Quinn Carrillo na nominado  siya sa 38th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club Inc. (PMPC) bilang New Movie Actress  of the Year para sa pelikulang “Silab.” Gaganapin ang awards night ngayong Linggo, July 16,  sa Centennial Hall ng Manila Hotel. 

Malayo na ang narating ni Quinn simula sa "Silab" dahil  nagbida na siya sa pelikulang "Biyak." Ngayon naman ay magpapakitang-gilas siya sa pelikulang "Litrato" kasama si Ai Ai delas Alas, na palabas na sa mga sinehan nationwide sa July 26.

“Thank you so much PMPC for nominating me.Sobrang laking honor  na ma-nominate po.Manalo o matalo okey na po sa akin na mabigyan niyo ako ng recognition happy na po ako doon,” sabi ni Quinn.

Kung mananalo siya ihahandog  niya ang  kanyang tropeyo sa pamilya niya. Lagi raw silang nandiyan para suportahan ang gusto niyang gawin. Sila raw ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang career.



Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies